Exposition

4 2 2
                                    

EXPOSITION

*Rein's P.O.V*

"Pero ate! Sigurado akong ipapahanap ka nila!" Impit na sigaw ng aking kapatid ngunit nagpatuloy lng ako sa pag aayos ng gamit.

"Ate Rein naman e, pansinin mo naman ako!" Impit ulit na sigaw niya.

Kahit naiinis, ay ayaw niya pa rin na may ibang makarinig sakanya tungkol sa gagawin ko, kaya hanggang sa kaya niya, ay pinipigilan niya ang sarili na mapasigaw.

Maya maya'y tumahimik na siya at pinanood lng ako hanggang sa matapos ako. Dinampot ko ang backpack at isinukbit ang slingbag ko.

Akmang tatalon na mula sa bintana ng kwarto ko ng mapansin kong tahimik lng siyang nakayuko habang tumataas baba ang mga balikat.

"Isang taon na ate" mahinang sambit niya, "mula ng coma ka, hindi mo na ako p-pina p-pans-sin". Hikbi nitong sabi at bigla nalang lumakas ang hikbi niya kaya napatulala ako sa kanya.

Naguluhan ako ng tila naiiyak ako, ngunit tila  wala akong may nararamdaman.

Napabuntong hininga ako at inayos ang backpack sa likod ko bago lumapit sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya upang umangat ang tingin niya.

Pinahid ko ang tumulong luha sa kanyang pisngi at hinimas ang buhok na.

"Babalik din naman ako, Zariot" panimula ko habang hinahagod ang kanyang buhok. "Ngunit baka matagalan pa", dugtong ko bago ibinalik ang mga palad sa pisngi niya.

Tumigil na siya kakaiyak at napapahikbi nlng.
"Pag pasensyahan mo na si ate ha? Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako ganito"

"Naiintindihan mo nmn ang ibig kong sabihin diba?" Tanong ko na tinanguan niya.
.

Ngumiti ako sa kanya, pero alam kong nahalata niya na isa iyong pilit.

Kahit anong gawin ko. Ganito na ako, hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang ganitong kondisyon ko.

Ngunit mas nakabubuti na rin ang ganito.

Matalino si Zariot, ang nakababata kong kapatid. Dalawang taon lng ang tanda ko sakanya kaya alam kong maiintindihan niya ako.

"Kailangan ko ng umalis, wag mong papabayaan ang iyong sarili Zariot" sambit ko bago dinukot sa bulsa ang halos isang buwan kong pinag ruunan ng pansin bago nagplano na umalis.

Inilagay ko iyon sa kanyang mga palad at ipinagdaop.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni ate. Nawala mn halos lahat ng saakin at napalitan, ngunit hindi mawawala ang lagmamahal ko sayo, dahil ikaw lng ang nag iisang kapatid ko, at nag iisang taong pinakaiingatan ko." Mahinahon kong sambit.

"Lagi mo itong suotinat wag na wag mong tatanggalin"

"Ito lng ang tanging bagay na kaya kong ibigay saiyo upang sa kahit anong sitwasyon, ay malalaman ko kapag napahamak ka" sambit ko at ipinasuot sa kanya ang bracelet.

Isa iyong mechanical device. Mag a-alarm ang ang bracelet ko kapag ipinindot niya ang emergency button na nsa gilid.

Isa sa kanya, at isa saakin. "Nakikita mo to? Magkapareha tayo, at hindi iyang matatanggal hanggat buhay ako" tahimik lng siyang nakikinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon