Paasa 4

33 1 0
                                    

MICHAEL/MICHELLE'S P.O.V

Kitang kita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata nya. ang pagbuhos at pag usbong ng lungkot. Ang gagong lalaking hari ng mga tilapya, halos paiyakin ang best friend ko.

p.s. di ko trip tong si lory ah,MASYADO AKONG MAGANDA PARA SA KANYA. xD

"sige! subukan mong umiyak dito at pag mukhain akong maleficent makakuha ka talaga ng umaatikabong sampal." mataray kong sumbat sa kanya. ayoko syang makitang umiiyak ng dahil sa lalaki lang. Ang Dyosa ang iniiyakan, hindi ang umiiyak.

"Huh? a-ako? umiiyak? di ah. bat naman ako iiyak? dahil ba sa gusto niya si ate Z? sus! hahaha ano ngayon kung nag mamahalan sila? ikaw talaga." naktingala at pagdedepensa nyang saad. haayst.

"oh eh bat ka nakatingala?" pag uusisa ko.

"Para ma-identify mong may leeg pa naman ako, di nga lang halata. haha" pag iiba nya ng storya.

"OH, para pigilang tumulo yang luha mo, kasi alam mong hindi iniiyakan ang mga hito?" pag kompronta ko sa kanya.

"bakla na nga, laitera pa. wag ganun friend. cute kaya si Oliver." pag sagot nya sa akin nakatingala pa din.

"Di nga lang halata." pag dadag dag ko sa sinabi nya.

"Ang ganda mo kasi eh no." sagot nya ulit.

 "Buti na lang honest ka" pag sundot sundot ko sa kanya.

"mabait si Lord eh." maikli nyang sagot. hanggang ngayon nakatingala pa rin sya. sinusubukang wag pumatak ang mga luhang kanina pang gustong makawala. nag pipigil ng hikbi at sinusubukang tawanan ang nangyayari. ramdam kong iniisip nyang bakit? paano? ramdam ko ang bigat ng puso nya ngayon. bagay na ayokong makita. masakit para sa akin. Ate kaya ako nito.

lumapit ako sa kanya. hinila ko sya at niyakap ng mahigpit. iniyuko ko ang ulo nya sa balikat ko at nag sabing "Iiyak mo na, yumakap ka lang ng mahigpit kung ayaw mong makita ko ang katangahan mo! haayst. Alam mo na ngayon ha! kaya please lang wag ng tanung ng tanung kung bakit hindi tayo mag kaklase! okay?" pag bibiro ko sa kanya,

isiniksik nya ang mukha nya sa balikat ko at doon nararamdaman ko na ang unti unting pamamasa ng balikat ko. jusko!!!! 

"Pakiusap luha lang ang pwede, wag naman singahan." bulong ko sa kanya. 

humagikhik sya ngunit ramdam ko ang sakit. sa sitwasyon nyang ito, wala akong inbang masisi. Hindi ko pwedeng sisihin si zendra, dahil wala naman syang kasalan, di ko rin masisi si fred dahil lang sa hindi nya kayang mahalin ang babaeng ito na umiiyak sa tabi ko.



Ang babaeng ito lang na umiiyak ng buong puso sa balikat ko ang dapat kong sisihin. sya lang naman. Dahil sa storyang ito sya lang naman ang nag isip na baka nga, siguro nga mahal nya rin ako; baka ako ang babaeng ikinukwento nya. ang babaeng mahal na mahal nya.

pero dahil sya ang bida. sya ang TANGA.



-------------------------------

IT'S BEEN A LONG LONG YEAHHHHHH! HAHAHHAHAHA ANYWAYS KEEP READING AND GIVE LOVE! LOVE LOTS! MWA! HIHIHIHI

Pinaasa mo ko, FRUTAH YOU!! (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon