Paasa 7

79 1 0
                                    

***Contiuation of flashback

Nag patuloy ako sa pag lalakad kasama ang palaisipan na baka nga. Malay natin. Hindi mawala ang ngiyi sa labi ko parang bang may nagbukas ng ilaw at ngayon ay ang liwaliwanag.

Ang landi ko. Kainis.

Sumilip ako sa bintana at mabilos na hinanap ng mata ko si Fred, pero parang umalis na sya dun sa huli naming pinag usapan. Nag palakad lakad lang ako at hinanap sya ng hinanap ng biglang may tumawag sa likod ko.

"Lory! Idol!"
Si Fred.

"Tigil tigilan mo nga ako sa idol idol na yan! Ang jeje!" sagot ko sa kanya.

"Ang ganda kaya. Mas matindi yun kaysa crush diba?" sagot nya.

"Crush? Anong crush?" tanong ko.

"Ikaw. Crush kita. " sagot nya sa akin sabay akbay sa akin. Tiningnan ko sya mata sa mata. Baka sakaling nagbibiro sya pero wala. Wala akong nakita. Buti na lang.

Lalong namula ang mukha ko at nagsimula nang mamawis ang kamay ko.

"Yiiieeee. kinikilig ka na naman."
Sabi nya sa akin at kinurot ang ilong ko.

"Bagay kayo."

Nagulat ako sa nag salita. Napatingin ako sa isang babae sa harap namin na may hawak na camera. Maganda sya. Maputi, may katangkadan, mukhang mabait. Good catch.

"Of course. Kami pa ba?" Maiklinh sagot ni Fred.

Nakatingin pa rin ako sa babae. Grabe! Ang ganda nya talaga, pero bakit ngayon ko lang sya nakita?

"Oy! Sakin ka mainlove!Wag Dyan!" pag yuyog nya sa akin.

Para naman akong tanga na nabalik sa katotohanang mag kasama nga pala kita.

"Sira! Dami mong alam." maikli kong sagot at akmang aalis sa pag kaka-akbay niya.

"Oh! Oh! Sandali lang." awat nya sa akin.

"Picturan mo nga muna kami Zendra. " zendra. Cool.

"Okay. Smile kayo ha! 1...2...smile!"

*click*

"Nice. Salamat Zendra ha! Pa-frame ko kaya to." Sagot ni Fred.

"Luh." maikli kong sagot.

"Ay nga pala. Lory this is Zendra. Zendra this is Lory. Idol ko." nakangiting sagot ni Fred. Akala ko di nya na ako ipapakilala eh.

"hi!" nakangiting bati ni zendra.

"Hello! " bati ko naman. Pwede ko syang ate!

"Zee, pasok na daw tayo sa loob." may tumawag sa kanya marahil ay kasamahan namin.

Pinaasa mo ko, FRUTAH YOU!! (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon