CHAPTER 8 - 10 YEAR'S AGO

448 17 0
                                    

MIDNIGHT

3:30 AM na pero gising parin ako langya di ako makatulog nakakainis iniisip ko mag damag lahat Ng sinabi ni basti sakin pinipilit tanggapin Ng isip ko Yung apology nya pero Hindi talaga Kaya Ng puso ko nakaupo ako sa couch sa loob Ng kwarto ko nakatulalang pinag mamasdan Ang picture naming dalawa na naka display parin hanggang ngayon sa wall ko at Yung Ibang picture namin na naka display a study table ko, Yung mga inipon Kong flowers na galing sakanya, Yung mga teddy bears na napanalunan namin sa peryahan, Yung mga matchy tshirts at sleepwear's naming dalawa lahat Yun ay nilagay ko sa ibabaw Ng kama ko.

"Bakit basti? Sayang diko nabigay sayo to"

Sabay kuha Ng bracelet na galing Kay Mami Sabi nya Kasi kung sure nako sa lalaking Mahal ko Ngayon ibigay ko to sakanya, bigay Pato ng dad ni mom sakanya dinya binigay Kay dad dahil alam nyang mawawala din sya agad, naalala ko pa non Sabi sakin ni Mami,

"Ang bracelet na to Ang palatandaan Ng totoo, tapat at wagas na pagibig"

Pag bigkas ko sa sinabing Yun ni mami sinabi din ni Mami na galing pa daw to sa tatay Ng tatay ni Mami.

"Tyaka mo lang Ibibigay Ang bracelet na yan sa lalaking napupusuan mo pag umabot na kayo Ng Tatlong taon"

Pag bigkas ko ulit sa mga salita ni Mami, Sayang basti, Sayang, binalik ko sa box Ang bracelet na yon at itinago sa drawer ko na may padlock mahirap na baka pakeelaman ni kuya, sinandal ko Ang likod ko sa couch at napansin ko Ang Isang medium size Ng box sa tuktuk Ng aparador ko agad akong tumayo at tumuntong sa ibabaw Ng kama ko, kinuha ko Yung box na yon at bumalik sa couch may kalumaan na Yung box na to Kaya medyo may punit punit na umupo ako sa couch at binuksan yon.

"Borj"

pag bigkas ko sa pangalan ni Jimenez kinuha ko Isa Isa Yung laman non at napangiti ako habang tinitignan Ang mga yon.

FLASHBACKS

Umiiyak ako sa gilid Ng puno Ng mangga dahil binato ako ng tsinelas ni apple dahil Sabi nya sakanya lang daw si borj ehh ayoko dahil kaibigan si borj ni kuya Kaya Kay kuya lang si borj, Ang sama sama mo apple tyaka patuloy na umiyak Ng umiyak

"Wag ka ng umiyak, ikaw din papanget ka nyan Roni"

Inalis ko Ang pag kakadukduk Ng Mukha ko sa tuhod ko at tumingala, nakita ko si borj na nakatayo sa harap ko pinunasan nya Yung mga luha na binabagsak Ng Mata ko

"Tignan mo ohh namumula na Yung Mata mo"

Turo nya sa mata ko tyaka sya ngumiti Kaya ngumiti narin ako tinulungan nyakong tumayo at inalalayang umupo sa ugat Ng malaking puno Ng mangga tyaka nya pinag pag Ang Mukha Kong puno Ng lupa dahil sa tsinelas ni apple

"Wag ka ng umiyak Roni, gusto mo ng lollipop??"

Masayang tanong nya sakin tinanguan ko lang sya habang sumisinghot singhot parin, tumayo sya at pilit may kinukuha sa bulsa nya

"Oh"

Sabay abot sakin Ng tatlong chocolate flavour na lollipop agad ko namang kinuha yon

"Bakit tatlo?"

Naiiyak pading tanong ko sakanya

"Ang ibig sabihin nyan, please take care"

Turo nya Isa Isa sa mga lollipop na hawak ko, Kumunot Ang noo ko sa sinabi nyang yon Wala akong maintindihan

"H-huh?"

"Please take care Roni Kasi aalis nako kasama Ang kuya mo at si jun pupunta na kaming Italy"

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now