CHAPTER 20

382 17 2
                                    

Roni's Pov

Ng makaalis Sila tita tinanaw ko pa muna Sila bago binaling Ang tingin Kay borj na Ngayon ay katabi si apple at mukhang masaya silang nag uusap na dalawa, nakaramdam nanaman ako Ng lungkot, pinapakita nyo nanaman Yung kalandian nyo sakin psh. pero nanlaki Ang Mata ko ng makitang sumandal si apple sa balikat ni borj at umakbay Naman si borj sakanya habang hinahagod hagod ng kamay ni borj Yung balikat ni apple, naramdaman ko nalang na nag lakad na pala ako papalayo sa cottage namin at tumakbo sa kabilang side Ng beach.

"Roni!!!!!!"

Dinig ko pang sigaw ni jelai pero nag patuloy lang ako sa pag takbo, sa bawat pag takbo ko ay tumutulo ang luha sa mga Mata ko pinupunasan ko ito Ng paulit ulit pero patuloy paring pumapatak, sa sobrang layo Ng tinakbo ko ay nakarating ako sa dulo Ng beach na kung san merong gubat Hindi Kona inisip Ang Meron sa gubat na yon kaya tumakbo ulit Ako papasok don ng sa palagay ko ay okay na Ang layo ko sa pinang galingan ko kanina ay umupo ako sa malaking sanga na yon Ng acacia at don umiyak Ng umiyak

"Roni andito ka nanaman sa ganitong sitwasyon"

Garalgal na Sabi ko sa sarili ko, pinag masdan ko Ang paligid at tanging huni lang Ng ibon at ingay Ng mga dahon na nang gagaling sa puno dahil sa hangin, nag Kalat Ang mga bulok na dahon sa buong paligid

"Kailangan Kona talagang Makita yon? Bakit kailangan Kong masaktan Ng ganito? Okay lang Naman ako dati ahh, bakit Ang lala ngayon"

Hagulgul pang Sabi ko nagtagal pako sa loob Ng gubat, pero nakaramdam ako Ng pag kirot Ng balakang ko Kaya tumayo ako at itinaas Ang t-shirt ko,

"Ohmygod!"

Gulat at nakangangang Sabi ko sa sarili ko, Hindi ko inaasahang ganito kalaki Yung pasa sa balakang ko, kasing laki ito Ng kamao Ng 6 years old na Bata, nangingitim ito at may kulay na violet, green sa gilid gilid, nag uunahang pumatak Ang pawis sa noo ko dahil nakakaramdam nako Ng Hilo Kaya mabilis Kong hinanap palabas Ng gubat pero bigo ako, ilang beses nakong nag paikot ikot pero Hindi ko talaga Makita Kung San ako pumasok kanina

"Asan naba Kasi Yung labasan"

Naiiyak na Sabi ko, nilibot ko Ang paningin ko sa gubat at napapikit ako agad Ng makaramdam nanaman Ng Hilo.

"Mamatay na yata ako"

Natatakot na Sabi ko, sunod sunod Ang pag hinga ko at nag hanap ulit Ng lalabasan Ng matanaw ko Ang dagat ay sinundan ko yon at nakalabas ako Ng gubat, tumakbo ako at natanaw Kona Sila kuya yuan na papalapit sakin pero nahinto ako sa pag takbo Ng makaramdam ako ng sobrang pananakit Ng balakang ko Kaya napapikit ako at napahawak dito, nanlalabo Ang paningin Kong tumingin Kay borj na papalapit na sakin, totoo ba to o panaginip lang? Kung panaginip to wag nyo na Kong gisingin.

Borj Pov

"B-borj"

Pag kasabi ni Roni non ay isinandal nya Yung Ulo nya sa balikat ko, biglang bumilis Ang tibok Ng puso ko, hinawakan ko Sya sa bewang at naramdaman ko Ang pag dausdos Ng Ulo nya sa balikat ko papunta sa dibdib ko Kaya sinalo ko Sya agad, nahimatay sya.

"Roni! Roni!"

Gising kopa sakanya, Hindi nako nag dalawang isip at binuhat Kona sya, nakita ko Sila yuan na papalapit na samin

"Jusq. Roni anak"

Nag aalalang Sabi ni tita Kay Roni

"Anong nangyari?"

Nag aalalang tanong ni yuan sakin pero diko sya pinansin at nag lakad lang Ng mabilis

"Yuan tawagan mo Ang daddy mo at sabihin mo na papuntahin si Dr. Alvarez sa mansion, ngayon na"

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now