Kabanata 1

65 2 0
                                    

[ Meghan's Point of View]

 

Nandito ako ngayon sa isang sikat at mamahaling bar not because for the nightlife, but dahil sa matinding pangangailangan.

Gusto kong humakbang paatras. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba. But suddenly, Tita Fe grabbed my arms. Nakadiin pa ang mga kuko nito sa higpit na pagkakahawak sa aking braso.

"Ano na Meghan? Wag na wag mong susubukang umatras sa napag usapan natin! At lalong wag mo akong ipapahiya sa kakilala ko rito!" Bulyaw niya habang pinandidilatan ako ng malalaki niyang mata.

"Tita baka may iba pang paraan. Ibang trabaho nalang po." Mangiyak-ngiyak kong sagot na namimilipit na rin sa sakit.

"At saan ka naman makakahanap ng trabaho na may malaki kang sasahurin aber? Mag isip ka nga! Ni wala ka ngang pinag aralan!" Pasigaw niyang sagot. Sabagay, kailan niya ba kami pinakitaan ng maganda. Halos ata lahat ng sasabihin niya sa amin ng nanay ko ay pasigaw at pangmamaliit.

Nagsimula nang nagpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

"Kahit maglabada nalang po ako araw- araw. Kahit anong matinong trabaho po papasukin ko wag lang po dito." Sagot ko sa garalgal na boses.

"Nagpapatawa ka ba? Kahit maglabada ka pa isang taon hinding hindi mo mababayaran ang utang ninyo sa akin. Kung hindi lang ako naawa sa nanay mo ay baka matagal na siyang tigok ngayon! Ni pambiling bigas nga hirap kayo! Gamitin mo yang ganda mo! Maging practical ka!" Aniya na may kasamang pagduro.

Kahit saang anggulo tingnan may point naman talaga siya. Highschool graduate lang ako dahil di na kayang itaguyod pa ni nanay ang pag aaral ko ng kolehiyo. Gustuhin ko man gumawa ng paraan para makapagpatuloy ay di na rin natupad sapagkat nagkasakit si nanay sa baga at kailangan ko siyang alagaan. Napakahirap maging anak dukha. Isang kahig isang tukha lang kami. Pero ni minsan, kahit isang beses, hindi pumasok sa isipan kong magbenta ng laman.

Di ko namalayang sa paghatak sa akin ni Tita Fe ay nakapasok na pala kami sa loob ng bar. Agad kaming sinalubong ng isang baklang maraming kolorete sa mukha. 

"Welcome to High Five!" Magiliw na bati nito sa amin sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. 

"Siya na ba ang pamangkin na tinutukoy mo Fe? Napakagandang bata nga! Tiyak maraming customer magkakandarapa sa kanya." Kita sa mukha niya ang paghanga sa akin. Mukha naman siyang mabait at harmless.

"Ikaw na ang bahala sa kanya at may lakad pa ako. Tawagan mo ako kung mag iinarte yan at ng malintikan yan sakin!" Pataray na sagot ni Tita Fe sabay irap.

"Masyado ka namang highblood Fe." Aniya sabay dukot ng iilang libo sa wallet nito.

"Heto na nga pala yung napag usapan natin nang mawala na yang init ng ulo mo." Sabay abot nito sa nakangising si Tita Fe.

"Maayos ka talaga kausap Caryaso. Aalis na ako. At ikaw!" Baling nito muli sa akin.

"Ayusin mo ang magiging trabaho mo rito kung ayaw mong magkaproblema tayo!" Bilin pa nito bago tuluyang umalis.

"Aba tinawag pa akong Caryaso ng walanghiya! Sabing Arya eh!" Nakapout na saad ng kausap ni tita habang hinahabol siya nito ng tingin paalis.

"Sumunod kana sa akin sa loob hija. Ano nga palang pangalan mo?" Malumanay niyang tanong sabay baling sa akin.

Mukhang totoo nga ang kutob ko na mabait siya.

"Meghan po" Nahihiyang sagot ko.

"Wag kanang mag po sa akin, baka mahalatang may edad na ako. Momshie Arya nalang or Tita MA for short, ganyan tawag nila sa akin dito." Nakangiti niyang sambit. Tumango na lamang ako at marahang sumunod sa kanya.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon