Kabanata 8

42 1 2
                                    

Napakabilis ng mga pangyayari at sa isang iglap lang ay nakikita ko ang sariling nakasunod kay Brandon papunta sa parking lot. Di ko maipaliwanag ang naghahalong emosyon na nararamdaman ko. Pero alam ng utak ko kung ano ang nais nitong mangyari.

Ito na ba? Masusuko ko na ba ang bataan ko?

"Are you just standing there?" Striktong tanong ni Brandon na nakapagpapabalik sa aking huwisyo. Para kasing nagyelo ang mga paa ko at di ko ito maihakbang papunta sa mamahaling sasakyan niya.

Nauna siyang pumasok sa loob at di man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Di pala ito gentleman gaya ng inaasahan ko.

Nahihiyang binuksan ko ang pintuan ng backseat at umupo. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan ng di man lang umiimik. Nakakapressure lalo!

At maya-maya pa'y bigla siyang nagsalita.

"If your fellow entertainer telling the truth then I'll pay you! Just name your price!" Prangkang sabi nito na wala ng paligoy-ligoy pa. Bihira lang ito magsalita pero nasa ponto. Di ko mawari kung dapat ba akong masaktan o mainsulto dahil parang binili nito ng pera ang buo kong pagkatao. Ngunit di ko rin maitatanggi ang kiliting nararamdaman ko ngayon.

At bigla kong naalala si nanay! Mukhang ito na nga ang tanging madaling paraan para makabayad ako sa operasyon niya.

"Dalawang milyon kapalit sa pagkabirhen ko." Di ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas nang loob at lumabas sa bibig ko ang mga katagang ito.

Kita ko sa rear-view mirror ang pagngiti nito na tila ba may kahulugan.

"Deal!" Tipid na sagot nito sa napakamanly na boses.

Napakalaki ng dalawang milyon para sa isang ordinaryong babaeng kagaya ko pero mukhang barya lang ito sa kanya at pumayag ito ng wala man lang alinlangan. Di kaya'y nagkainteres siya sa akin? O baka naman gagawin lang akong parausan nito. Andaming katanungang gumugulo sa isip ko ngunit isa lang ang sigurado. Dignidad kapalit ng pera. Akala ko sa teleserye lang ito nangyayari pero nangyayari din pala sa totoong buhay, mismong sa akin pa.

Oo aaminin ko na sobrang gwapo ng lalaking ito.
Kahit sinong babae ata ay papangarapin siyang makasiping ng walang bayad. Ngunit sa ipinapakita nito sa akin ay lalo lang akong nanliit sa sarili ko.

Wala akong alam sa sex. Never pa nga kasi ako nagkakaboyfriend. Ni halik nga ay di ko pa naranasan. Di ko alam ang feeling nang ganoon. Minsang narinig ko noon na nag-uusap ang mga dalaga sa amin tungkol dito. Masarap daw na nakakaadik!

May parte sa katawan ko ang nagsimulang uminit pag naiisip yun. Sobrang kinakabahan ako pero may malaking parti rin sa utak at puso ko ang naeexcite.

Kahit ata sinong lalaki ang makauna sa akin sa halagang 2 million ay papatulan ko na. Ito na nga siguro ang tinatawag nilang kapit sa patalim. Pero sadyang napakaswerte ko naman at sa isang Brandon Cabwell ko pa ito unang mararanasan.
Sobrang nakajackpot ako kung tutuusin! 2million plus Brandon Cabwell and who am I to reject his offer?

Di na siya muli pang nagsalita. At makalipas ang ilang minuto ay hininto na nito ang sasakyan niya.

Alam ko kung saang lugar na kami.
Sa isang sikat at mamahaling 5 star hotel!
Pinark lang ni Brandon ang sasakyan niya sa parking lot at bumaba na rin.

Di ko na hinintay na pagbuksan pa niya kasi nga hindi naman ito nagpapakita ng pagka-maginoo sa akin.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nalula ako sa laki ng building ng hotel. Naglakad na si Brandon papasok sa loob at kahit hindi naman niya ako inanyayahan ay nakasunod lang ako sa kanya na parang tuta.

Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapasok sa isang hotel at sa isang five-star pa.
Di ko mapigilang humanga sa disenyo ng loob. Kumikinang sa aking mga mata ang mga maliliit na diyamante ng chandelier. Napakaglossy at classy pa ng mga modernong palamuti sa loob. Manghang-mangha akong nilibot ang aking mga paningin.
Nagmukha tuloy akong ignorante.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon