Chapter 9 (edited)

140 8 6
                                    

ILANG ulit lumunok si Aryane  dahil sa sinabi ni Logan.

"Don't dare lie to me again, I got the result. I don't think I have to show it to you, or should I..." Ramdam niya ang pagdiin nang kamay nito sa kanyang braso. His eyes were filled with rage and disgust.

"So!" Lakas loob na sagot niya dito. "Simula pa lang malinaw mong sinabi, ayaw mong magkaroon nang anak. At hindi ko rin inaasahan na---why do I have to explain  anyway. It's not I wanted to hide my son on purpose. We end the affair, dahil  bumalik ang babaing mahal mo, and of course, you'll choose her over a fvcking buddy. " Lalong nagdilim ang anyo nito. "At ayaw kong sabihin mong ipalaglag ko ang anak ko, dahil 'yon ang gusto mo. His mine, you don't have to feel responsible for him."  Walang emosyong sagot niya dito.

"Ganun  ba ang tingin mo sa akin?"

"Oo, alam kong posibling sabihin mo 'yon." Alam niyang tama siya. Kaya mas pinili niyang lumayo. "Logan, you're hurting me!" Napakislot siya nang lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Pero parang wala itong narinig.  

Ramdam niyang baka saktan siya nito kapag gumawa siya nang maling kilos. His rage felt meaningless to her. Anong dahilan nito para magalit sa kanya. She was the one being used, siya ang dapat magalit.

"Agh---" daing niya, saka napatingin sa braso niyang halos nawalan na nang kulay. At mukhang noon lang nito narealized ang ginagawa. Kaya automatikong binitiwan siya nito. Ramdam niya ang biglang pagdaloy nang dugo niya sa  kanyang braso. Noon lumabas ang bakas ng kamay nito sa braso niya.

"I want my right with my son." Deklara nito. "And don't dare take him away from me. Sa condo ka magstay at huwag mo akong suwayin." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. 

Naiwan siyang tulala at walang masabi. 

"Bakit parang kasalanan ko pa. How dare you!" Gusto niyang sigawan ito. But someone might hear her. Kaya nagkasya na lang siya sa pagkuyom nang  kanyang kamao.

Pagpasok niya sa bahay ay nakasalubong niya ang ama? Mabuti na lang at mahaba ang mangas nang  damit niya. Kundi siguradong mapapansin nito ang pamumula nang  kanyang braso.

"Nag-away ba kayo ni Logan, anak? Nakita ko kayo sa Patio kanina. He looks mad." Anang nang ama niya.

"Lagi namang galit 'yon sa akin Dad! " kaswal na sagot niya dito. Madalas kasi siyang sinisita ni Logan noon pa man. Alam nang mga itong nagtrabaho siya kay Logan, but they didn't know na magkasama sila sa iisang opisina at madalas sa kama.  Bumuntong hininga ito.

"Hindi ko talaga kayo maintindihan. You argue too much over a little things, but you too obviously care for each other.  Bakit hindi na lang kaya kayong dalawa magpakasal---"

"Dad!" Sita niya dito.

"Why? Am I seeing things wrongly?" Anang nito saka nakakalukong ngumiti.

"Well,  kung ano man ang iniisip n'yo mali kayo."inirapan niya ang ama. Pero alam niyang hindi niya maitago ang  pamumula ng mukha niya dahil ramdam niyang nag-iinit  'yon sa mga sinasabi nito.

"If you say so."  natatawang turan nito.. 

Narinig niya ang boses ni Timmy sa kanyang likuran. "I'm  sleepy, " humikab pa ito, "where's daddy mom?"

"Your daddy left because they always fight, over nonsense, apo."

"Dad." Saway niya sa ama.

"Teka, nasaan na ba ang nanay mo, anong oras na ah." Noon naman nila narinig ang pagbukas nang gate. Kaagad na lumabas  ito para salubungin ang esposa.  Tumakbo naman si Timmy para sundan  ang abuelo nito. Mukhang nawala na ang antok ng bata. At dahil abala na ito sa paglalambingan nang maglola, nauna na siyang magpaalam para matulog.

Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon