Hindi ko alam kung kanino ko isisisi 'tong nangyayari sakin ngayon,
Sa sarili ko ba? Sakanya? Siguro sakin. Hindi ko napigilan.. mahal ko pa din eh. Sana pala lumayo nalang ako at hindi pumayag sa sinabi nya. Akala ko wala na.. pero bakit unti unti nanaman akong nahuhulog sakanya? Hindi. Oo hindi. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya. Mahirap na, baka mawala na ng tuluyan ang taong mahalaga sakin. Oo MAHALaga.
Ako at ako lang naman ang nananakit sa sarili ko eh. 'Di ko mapigilan. Mahirap. Masakit.
Ako nalang.. ako nalang sana. Ako nalang sana ulit..
❤.
Hahaha. Nababakla na ko. Ang drama masyado. Hahaha oo bakla?! XD dejk. Babae ako. I'm Sapphira Chantel Montallana. Sapphira? Hahaha unique diba? Nagmula daw yung Sapphira sa Sapphire mahilig kasi Mommy ko dun. Lahat ng jewelry box nya punong puno ng mga accessories, puro blue -_____- okay ieexplain ko sarili ko. Mahaba buhok medyo lightbrown yung buhok medyo kulot din. Maputi, singkit, mataba yung chicks, kaso kinulang sa height. Bawi naman sa mukha :bd 16 years of age.
Mabait ako sa mabait sakin. Mas masama ako sa mga masama sakin. Ayoko lang talaga sa mga taong kung makaasta ang taas taas na nya. Yung bang tinitignan ka palang nya feeling mo napaka panget mo na sa paningin nya. Sarap ipahatak ng mata kay shomba. >____<
May bestfriend ako. Pogi 'to, maputi, longhair, nagpakulay sya ng red bagay naman kasi maputi sya. Matangkad. So pag magkasama kami parang kuya ko na sya. 17 years of age.
Magugulat ba kayo na ang bestfriend ko ay ang ex ko? Oo sya yung dinadrama ko kanina. Ewan ko ba. Nagpromise kasi kami dati nung kami pa na kahit maghiwalay kami bestfriend pa rin yung turingan namin para hindi masyadong masakit.
Pero bakit ngayon nasasaktan pa rin ako? Bakit nakakulong pa rin ako sa past namin. Ayokong ipakita na mahal ko pa din sya. Takot na takot ako.
Tumingin ako sa orasan.
Shit! 6:30 na! Di pa ko naliligo. Nagmadali na kong bumangon tsaka naligo. Nag ayos. Di muna ko kakain baka malate pa ko. Kaso gutom na talaga ko :( sa school nalang ako kakain. Nagbike na ko papuntang school malapit lapit lang naman 'to sa bahay namin.
"BEST!"
Napalingon ako sa kung sino mang tumawag sakin which is kilala ko naman sya lang naman tumatawag sakin nyan eh.
"Ye?"
"Mukhang 'di ka pa kumakain ah?"
"Pano mo nalaman?"
"Bestfriend mo ata 'to!" Sabay ngiti hanggang sa tenga.
Bestfriend. Ouch </3
Yan ang ayaw kong tinatawag nya sakin eh. 2 words lang yan pero sobra na kong nasasaktan pag naririnig ko yan lalo na sakanya.
"Hehehe -_- nakakatawa ka. Ayain mo nalang akong kumain tapos ilibre mo ko. Baka dun matuwa pa ko sayo noh?"
"Ah ganun ba? Ayoko."
"Tse!" Sabay irap tsaka talikod.
"'To naman 'di mabiro! Oo na sanay na ko sayo. Yaman yaman nyo palibre ka ng palibre sakin."
"Alam mo na ba yung kasabihan na "Masarap pag libre"?"
"Meron ba nun?"
"Oo"
"Kelan pa?"
"5 minutes ago."
"Trashtalker ka ng pinas ah."
"Sorry po. Libre mo na ko! Puro ka satsat dyan eh!"
Pumunta na kami sa may canteen.
"Best. Ano gusto mo?"
"Lugaw nalangs."
"Dalawang order nga po ng gawlu"
"Gawlu?"
"Lugaw po."
Binatukan ko sya.
"Anakanang. Nakainom ka na ba ng gamot mo?!"
"Oo sumobra pa nga e"
"PAKE KO?!"
Tapos natahimik sya! HAHAHAHAHA! Mukhang naasar 'to! XD
"Ate paki cancel yung isang order ng lugaw. Nabadtrip ako bigla"
"Hala hala! Hindi na. Sorry na Bessyyyyy!" Sabay puppy eyes.
"Joke lang ate!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Kinuha na nya yung order tapos umupo na kami sa upuan. Malamang.
Nagstart na kaming kumain. Ang tahimik. Nakakabingi yung katahimikan. Tinignan ko sya kasi kanina pa nyang tinatry na magsalita kaso parang kinakabahan sya?
"Anong sasabihin mo?"
"Hala pano mo nalaman?"
"Wala ka na dun"
"Ah eh kasi ano eh. Alam mo na diba. Kasi hahaha. Ano yung--"
"SABIHIN MO NA!"
"Lakad mo naman ako kay Asalyn."

BINABASA MO ANG
I still love you, BESTFRIEND </3
Fiksi RemajaWhat if, may naging bestfiend ka na ex mo? Tapos akala mo wala na yung feelings mo para sakanya.. pero nagkamali ka. Pano kung nagkaroon sya ng bago? Anong gagawin mo?