DM 6

147 14 7
                                    

Chapter 6

Hindi talaga makapaniwala si Kyungsoo habang nililinisan niya ang guest room. Hindi pa nga siya sure kung sila Baekhyun ba ang gumamit dito o may napadaan lang na mga hayop at nagrambulan.

Pulot, ayos, punas, walis, kulang na lang talaga ilampaso niya na ang mukha ni Baekhyun. Nilinis niya na rin ang salamin dito na mukhang napahidan rin ng kasamaan. Pinalitan niya na rin lahat ng kutson, kumot at kobre kama.

Tahimik lang siyang naglilinis nang biglang pumasok si Baekhyun at nilapitan siya.

"Kyungsoo...galit ka ba?" Tanong pa nito.

"Hindi."

"Talaga?" Hindi makapaniwala pang saad nito, tumalikod na lang si Kyungsoo para matago ang ngiti niya.

"Ba't naman ako magagalit sa'yo?" Tanong ni Kyungsoo habang papalabas na ng kwarto dahil tapos na siya maglinis, at kailangan niya naman ngayong magluto.

"Ha? Kasi-" Napangisi pa siya kasi hindi masagot ni Baekhyun ang tanong niya. Hindi naman mamatay si Baekhyun kung aasarin niya lang 'to ng kaunti 'di ba?

"Baek..." tawag niya pa dito, at patuloy namang sumunod si Baekhyun sa kanya.

"Bakit?"

"Tulungan mo na lang akong magluto."

"Paano?"

Nanguting-ting si Kyungsoo sa ref para kumuha ng mga ingredients niya.

"Kunin mo 'yung kutsilyo at chopping board."

"Sige." Agad namang kinuha ni Baekhyun ang mga sinabi ni Kyungsoo, lumapit na siya dito at inabot 'yung gamit. Kinalibutan man siya sa ngisi ni Kyungsoo pero hindi niya na lang pinansin.

"Akin na 'yang kamay mo Baek, tuturuan kita." Nagtaka naman si Baekhyun, iaabot niya raw kamay niya? Ayos 'yun ah. Pero kahit na ganun ang kanyang naisip, pinahawak niya pa rin kay Kyungsoo 'yung kamay niya.

Pero halos atakihin naman siya nang biglang ipatong ito ni Kyungsoo sa chopping board, lalo siyang nataranta nang itapat dito ni Kyungsoo ang kutsilyo. Konting konti na lang lalapat na ito sa balat niya.

"Saglit!! Kyungsoo! Anong ginagawa mo?!"

"Relax Baek, hindi mo ba alam kung anong lulutuin ko ngayon?"

"Hindi. Ano bang lulutuin mo ha?" Kinakabahan niya pang tanong.

"My specialty! Fried Baekhyun curry with eggs!! Mwahaha!" Lalong natakot si Baekhyun kay Kyungsoo dahil sa nakakakilabot na tawa nito. Nanlalaki na nga ang mga mata niya pati ba naman butas ng ilong niya.

"Huwag kang matakot Baek...saglit na sakit lang 'yan pagkatapos wala na. Tigok ka na." Mahinahon pa nitong sabi sa kanya. Akala talaga ni Baekhyun katapusan niya na, buti na lang at merong cellphone na biglang tumunog.

"Sayo ba 'yun?" Tanong ni Kyungsoo sa kanya at binitawan niya na ang kamay nito, habang tinitingnan niya pa kung saan nanggaling ang tunog. Pero imbes na sumagot, nakaramdam agad siya ng malakas na hampas galing kay Baekhyun.

"Walang hiya ka! Tinakot mo 'ko!! Akala ko nababaliw ka na! Grabe! Muntikan na akong mapaihi dahil sa iyo!" Litanya pa ni Baekhyun na ikinatawa ni Kyungsoo.

"Kasalanan ko bang natakot ka ha?"

"Oo! Ikaw nanakot diyan eh."

"Uy! Sa mukha kong 'to natatakot ka, pero diyan sa anaconda ng fiance mo, hindi. Aba matinde!" Iiling-iling pa na sabi ni Kyungsoo, tiningnan naman siya ni Baekhyun ng parang naweweirduhan. Ano bang nangyare kay Kyungsoo at naging ganyan na?

Desperate MeasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon