Chapter 2
Sa kakalakad ni Kyungsoo, malayo-layo na rin ang narating niya. Pero wala siyang balak na tumigil, makalayo lang siya. The farther, the better. Para hindi na siya mahanap ng mga umampon sa kanya. Pero sure rin siya na hindi na siya nito hahanapin pa, and even if they did. He was determined not to go with them.
Nag-alala naman si Kyungsoo nang mapansin niyang medyo dumidilim na ang paligid. Kailangan niya ng matutuluyan. Napansin naman ni Kyungsoo ang isang kotse, at mukhang dadaan ito papunta sa direksyon niya.
Kyungsoo didn't hesitate to go right infront of the car. Kung nababaliw na ba siya? Hindi, he's just making ways to survive.
Mukhang hindi baba ang driver para tulungan siya. At ang lakas na ng preno nito. Pero dahil 'matalino' nga siya, pinikit niya ang mga mata niya at hinimatay!
Halos atakihin sa puso si Baekhyun dahil sa nakita. Kanina pa siya nagprepreno doon sa lalaki, pero mukhang wala talaga itong balak tumabi sa daan. Jusko po kung gusto niyang mamatay 'wag na siyang mandamay. Lalo namang kinabahan si Baekhyun nang himatayin ito, buti nalang at natapakan niya agad 'yung break.
Muntikan na siyang tumilapon, kung hindi dahil sa seat belt. Humugot muna siya ng malalim na hininga, bago inayos ang sarili at bumaba ng sasakyan.
"Grabe! Buhay ka pa ba?" Lumuhod si Baekhyun at tinapik-tapik ang pisngi nito, pero hindi nagpatinag si Kyungsoo at pinagpatuloy ang himatay-himatayan act niya.
Ininspeksyon ito ni Baekhyun, baka kasi mamaya hindi na humihinga o baka may galos. Nang makita niya namang wala itong sugat at nang maramdaman niya rin ang pulso nito, habang tumataas baba pa ang dibdib nito, ay nakahinga agad siya ng maluwag.
Tiningnan uli ito ni Baekhyun "Ano bang gagawin ko sayo? Alangan namang iwanan kita dito. Konsensya ko pa 'yun."
Take me! Take me with you! Please! Sagot ni Kyungsoo sa isipan niya.
"Aish...dadalhin ba kita o 'wag na lang." Dalhin mo ko!
Nakahawak pa talaga si Baekhyun sa baba niya habang malalim na nag-iisip. Kung buhatin niya nalang kaya at isakay sa kotse niya para makaalis na sila, edi wala na siyang problema.
Maya-maya pa naramdaman na ni Kyungsoo na uma-angat siya.
"Aish...ambigat!" Baekhyun groaned.
Nakalagay na ang braso ni Kyungsoo sa balikat ni Baekhyun habang kinakalad niya ito. Step by step and taking it slowly.
Nakalapit na sila sa kotse pero muntikan pa talaga silang matumba kung hindi lang napahawak si Baekhyun agad sa kotse.
Tinanggal niya na ang pagkaka-akbay ni Kyungsoo sa kanya at dahan-dahang ipinasok ito sa back seat.
"Ah! Aray!" Daing ni Baekhyun nang tumama ang ulo niya sa roof ng kotse, 'yan kasi aanga-anga.
Mukhang ayos nanaman ang lalaki kaya bumalik na si Baekhyun sa driver's seat at nagsimula na siyang mag-drive. Naramdaman naman ni Kyungsoo ang pag-andar ng kotse kaya palihim siyang napangiti.
Naisip niya na matulog na lang rin dahil napagod siya sa kaka-acting niya kanina kesa sa paglalakad. He even peeked at the guy who was driving, since the guy is still busy. Kyungsoo felt at ease as he drowsed off to sleep.
°~ The man I loved so dearly, has deserted me
And I am now weeping, holding with my wretched heart °~
Matagal ring nakatulog si Kyungsoo pero naalimpungatan siya dahil sa nakarinig siya na parang may kumakanta. Habang nakikinig si Kyungsoo, hindi niya matatanggi na maganda ang boses noong kumakanta. Ang galing dahil damang-dama nito 'yung lyrics at pagkanta. But it's sad that Kyungsoo can't relate with it, because he never really experienced love, but hurt. He felt it, he felt so much pain.
BINABASA MO ANG
Desperate Measures
FanficDo Kyungsoo was a rich spoiled bratand the rebellious son you could think of, but now that his nonbiological parents throwed him out of there mansion and into the streets, he has nothing but himself. He definitely needs to make a living for his self...