Chap3

2.2K 25 0
                                    

VENUS


      Bagsak ang balikat akong umupo sa tabi ng kama mula ng umalis siya. Hindi ko naman talaga balak na umalis gusto ko lang lumabas sa kwarto niya. Hindi ko akalain na ganun pala kasama ang ugali niya no?  Sayang ang kagwapuhan nya napakasama pala ng ugali sya. Di manlang nya namana ang kabaitan ni Lola Cenon.

Nag-aalala din ako para kay Lola. Gustuhin ko man na batayan siya sa ospital baka kung anong isipin ni Jhared. Alam ko hindi niya ako tangap pero hindi ko naman inasahan na wala pala siyang alam tungkol sa akin dahil wala naman sinabi si Lola sa akin.

Pinahid ko ang nangingilid na luha ko. Harap-harapan niya akong tinangihan sa Lola niya, kaya wala akong choice kundi subukan na kausapin si Lola.

Marami na akong pinagdaanang sakit lalo pa hindi ko pa rin mahanap ang mga taong nag-iwan sa akin sa bahay ampunan.

Palagay ko ay kalahati ng buhay ko ang gusto kong buohin, pero kung mapipilitan akong pakasalan siya siguradong hindi rin ako magiging masaya.

Dahil hindi naman kagaya ko ang magugustuhan niyang babae. Kung pasadahan nga ako ng tingin ay lalong nangliit ang tingin ko sa aking sarili.


Malalim na ang gabi at ipinasya kong matulog na lamang. Upang magkaroon ako ng lakas na kausapin si Lola.

Kinabukasan ....

tunog ng phone ang gumising sa akin. Pasikat pa lang ang araw kaya siguro inaantok pa rin ako.

“hmmmm?”

Venus, bakit hindi mo sinabi sa akin.”
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ng Khalil.

Kaagad akong tumayo at tinungo at binuksan ang glass na pintuan ng veranda. Pansin ko din sa boses ni Khalil na paos ito.

I’m sorry Khal, biglaan din ang lahat.” Wika ko.

Ni minsan ba hindi rin ako naging mahalaga sayo?”

Naramdaman ko na umiiyak siya dahil naririnig ko pa ang pagsinghot niya.

Ano kaba syempre mahalaga ka sa akin Khal. Pero hindi ko kayang tangihan si Lola. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero pangako, kakausapin ko siya na pabalikin na lamang ako diyan dahil hindi naman ako gusto ng apo niya.” Paliwanag ko sa kanya.

I love you, Venus.... "

Agad akong napako sa sinabi nya.

"Kung alam ko lang na mangyayari ito noon ko pa sana sinabi ito sa’yo. Kung alam ko lang na aalis ka na lang dito na walang paalam man lang sa akin. Sana tinake ko yung risk ng friendship natin para masabi ko ang tunay kong nararamdaman.”

Ramdam ko sa boses niya ang pag-sisisi at nasasaktan ako dahil alam ko kung gaano siya naging mabuti sa akin. Pero hindi ko inaasahan na aamin siya ng ganito.

Khalil, mahal din naman kita pe—“

Matinong babae? Sinong matinong babae ang iiwan ang lalaking mahal niya kapalit ang kaginhawaan?”

Napalingon ako sa likuran ko dahil sa narinig.

Hindi ko inasahan na nasa kwarto na pala siya at nakikinig sa usapan namin. Pero wala yun sa akin dahil kilala ko ang sarili ko at alam ko ang dahilan kung bakit ako naririto. Pinatay ko ang phone at hinarap siya.

Hindi ko na kailangan tangapin pa ang paulit-ulit na pagtapak mo sa pagkatao ko Jhared. Kaya sabihin mo sa akin kung kailan uuwi si Lola para makapagpa-alam na ako.” Matalim ang titig na ipinukol niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now