VENUS P.O.V
Hmmmm
taimtim kong sinisinghot ang hangin ng Pilipinas...Masaya akong nakatungtong na ulit ako sa airport ng pilipinas. Isang taon na rin ang nakalipas. Kalalapag lang ng eroplano na sinakyan namin mula sa Korea. Isang linggo matapos akong iuwi ni Ma’am Blaire sa mansyon nila ay lumipad na agad kami patungong Korea. Para sa skin care products na dene-develop ng malaking companya doon at exclusibong nakapangalan sa. 'Glamoure's Corporation’ ang kompanyang pagmamay-ari ng asawa ni Ma’am Blaire na si Sir Arnold Forstner isang half italian at and Filipino.
Hindi ko alam kung paano ako naka-alis ng pilipinas na walang sapat na dukomento. Basta ang sabi sa akin ni Ma’am Blaire siya na raw ang gagawa ng paraan. Gamit ang pangalang Katharina Kecmanovic ay nagawa kong maka-alis ng bansa.
Ako ang nagsilbing secretarya ni Ma’am Blaire, Taga sagot ng tawag at taga check ng appointments niya. Naging mabuti sila sa akin kaya ginawa ko ang lahat para suklian yun. Sobra-sobrang tulong ang nabigay nilang mag-asawa sa akin. Mabait parin ang diyos dahil hindi niya ako pinabayaan. Palagi din akong nagpapasalamat sa lahat ng biyaya na natatangap ko maliit man ito o malaki.
Isa ang Glamoure's Corporation sa pinakatanyag na skin care products sa Asia maging sa iba pang western country at marami ding tumatangkilik dito na mga sikat na artista, modelo at iba pang kilalang personalidad.Pinasubok pa sa akin ni Ma’am Blaire ang mga ‘yon. Hindi nakakapagtaka na mamahalin talaga ang produkto ng Glamoure dahil epektibo ito sa kahit ano mang skin types.
Napansin ko din ang pagbabago ng balat ko.
Sabi ni Ma’am Blaire ay pwede na rin daw niya ako gawing ambassador ng naturang produkto. Pero nginitian ko lang siya sa papuring yun dahil. Alam kong wala pa ako sa kalingkingan ng mga endorser nila.
“Mom, bakit kailangan na nating umuwi agad? Hindi ko man lang na-enjoy ang pag gagala sa Busan, akala ko pa naman magiging bakasyon na natin yun.” Reklamo ni Angel. siya ang nag-iisang anak ni Ma’am Blaire at Sir Arnold.
Limang taon ang agwat ng edad niya sa akin at napakaganda din niya. Pero mas kamukha niya si Sir Arnold. Sa unang tingin nga hindi mo aakalain na may lahi siyang pinay dahil mukha talaga siyang italyana. Napaka-kinis din ng kanyang balat. Isa din kasi siya sa mga modelong nag-eendorso ng produkto ng Glamoure
“Angel, pwede ka naman bumalik doon anytime anak. Kung gusto mo isama mo si Katharina. Puro trabaho kasi ang inatupag niya noong umalis tayo kaya siguradong hindi na niya na-enjoy ang winter season doon.” Nakangiting paliwanag ni Ma’am Blaire.
Simula nang dumating kami sa Korea ay Katharina na talaga ang tawag niya sa akin. Kaya medyo nasasanay narin ako sa kanya.
“By the way Mom, nandito na tayo sa pinas. Why you’re still calling her Katharina?” Nagtatakang tanong nito.
Kinwento ko kasi na kanya ang nangyari sa akin. Na lumaki ako sa bahay ampunan at inampon ng isang mayamang pamilya. Naikwento ko din ang pagpapakasal ko kay Jhared Velmon kaya alam lahat ni Ma’am Blaire ang past na nangyari sa akin.
“Because, I want her to start a new life with us. Kapag bitbit niya parin ang pangalang yun maaalala lang niya ang masasakit na nangyari sa kanya.”
Napatingin ako kay Ma’am Blaire.Medyo hindi ko kasi naunawaan ang sinabi niya.
“You mean hindi na siya si ate Venus Velmon?” Kunot noong tanong ni Angel.
“Yes, she’s now Katharina Kecmanovic. Gagawin kong legal ang pangalan niya dito para hindi na tayo mahirapan ulit kung pupunta tayo ng ibang bansa. Gusto kong makalimutan na niya ang lahat ng masasakit na nangyari sa kanya.”
YOU ARE READING
Unconditional love
RomantikTITLE: Unconditional Love Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your...