Chapter 5

9 0 0
                                    

MAG ALAS-SINGKO nang  gumising si Miyuki upang mabilis makagayak patungo sa palengke. Naki-usap ang may-ari ng Binabantayan niyang mga isda na kung pwede na siya muna Ang mag bukas ngayong umaga dahil na sa hospital silang dalawang mag-asawa para sa libremg check-up pang isang buwan na ipinatupad ng Alkalder Mayor na ikinatuwa ng mga tao.

"Isang kilo dito sa bangus. Otsenta?"

"Si Manang ang aga-aga tinatawaran. Isang daan ho."

"Ang mahal naman. Hindi na. Sa Iba ako bibili mas mura pa!" Pag susungit pa ng babae.

Akmang sisigawan siya ni Miyuki ngunit agad niyang na isip na kapag ginawa niya ‘yon lalong masira ang umaga niya at baka madamay pa ang benta ng tindahan. "Balik na lang kayo dito kung mas mahal sa iba. Magandang umaga ho," ngiti pa niya.

Ilang sandali pa dumating na si Robert. Siya ang laging kasama ni Miyuki mag hapon sa pag titinda. Bukod sa anak siya ng amo ni Miyuki ay talagang laking palengke na si Robert. Ang katwiran ng binata, Kaysa mag bayad ang magulang niya sa ibang tao na nag bubuhat ng paninda nila ay siya na lamang ang gagawa upang makatipid. Tuwing umaga, palaging may bitbit na pandesal at dalawang basong kape si Robert para maging agahan nila ni Miyuki.

"Ate, kayo'y may anak na ho talaga?"

Kumunot ang noo ni Miyuki dahil sa tono ng boses ni Robert. Araw-araw niya naman naririnig ang boses ng binata ngunit hindi pa rin talaga siya sanay.

"Oo nga. Ang kulit mo. Limang taon na nga anak ko," sagot niya bago muling kumuha ng pandesal na isinawsaw pa sa kape.

"Para lang dalaga pa rin, ate."

"Hay, ewan ko sayo, Roberto at sa accent mong pa iba-iba."

"Robert hindi Roberto, ate Miyuki. Ginagawa mo naman akong sinaunang tao."

Alas-syete nang dumagsa ang tao sa pamilihan kung kaya nangalahati ang isdang itinitinda nila bagay na ikinatuwa nilang dalawa. Nakangiting winawalisan ni Miyuki ang harapan ng puwesto.  Pangatlong araw niya pa lang ngunit matuma ang benta sa nag daang dalawang araw ngunit ngayon ay tila may nag endorse ng kanilang paninda. Kahit maraming ka-kompetensya at tabi-tabi silang nag titinda ng isda, tanging sa puwesto nila lumalapit ang mga tao.

"Dapat ganitong oras nandito na mama at papa mo," takang sambit ni Miyuki.

"Oo nga, ate. Kanina pa tapos check up nila. Nag text pa nga si mama na unang -una sa pila."

"Robert!"

Gulat silang lumingon sa entrance ng palengke kung saan may babaeng lumilinga-linga sa kabuoan ng lugar.

"Pangalawang babae mo na ‘yan," ngisi ni Miyuki sa binata.

"Umagang-umaga sira na araw ko. Jusko!" Angal pa ni Robert bago nag tago sa ilalim.

"Hoy, hoy! Wag mo sabihin na ako ang balak mong ipa-kausao sa babaeng iyon. Hindi naman ako na inform na bukod sa pagiging tindera niyo ay responsibilidad ko rin na awatin at kausapin ang mga baba—"

"Baliw ‘yang babae na ‘yan, Ate! Kahit sa school, akala mo linta kung makadikit sa akin! Hindi siya ‘yung tipo ko!"

Pinamaywangan niya ito at idinuro pa ang pamaypay. "Edi sabihin mo na ayaw mo sa kaniya hindi ‘yung nag tatago ka diyan na parang may ginawa lang kasalanan. Kausapin mo nang maayos at ipaintindi na hindi mo siya gusto. Hindi ‘yung papahabol-habulin mo pa sayo. Tumayo ka diyan at kausapin ‘yung babae O sasabihin ko sa mama mo na kumupit ka ng sikwenta dito noong isang araw. Hep, manahimik ka," pigil ni Miyuki sa kaniya matapos makitang bumuka ang bibig para mag paliwanag. "Akala mo hindi ko makikita. Wag ka na mag paliwanag dahil kahit anong sabihin mo, mali ang manguha. Harapin mo ‘yung babae kung ayaw mo isumbong kita."

Αγάπη μου (Agápi mou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon