Chapter 7

5 0 0
                                    

LINGGO araw ng pahinga ni Miyuki sa trabaho. Si Robert ang kasalukuyang nag babantay ngayon sa pwesto nila sa palengke. Nag lalakad si Miyuki kasama ang kaniyang anak patungo kung saan nakatira si Dominic. Inutusan siya ni Aling Marissa na dalhin ang isang bilao ng palabok bilang pasasalamat nito kay Dominic dahil sinadya pa talaga sila sa bahay. Kahit labag sa kalooban ni Miyuki, siya na lamang ang nag hatid dahil alam niyang lalakarin lamang ni Aling Marissa patungo sa bahay nila Dominic.

"Dito po ba nakatira si Mayor Delgado?" Tanong ni Miyuki sa guwardiya.

"Sino ho sila?"

"Ah... Dadalhin lang sana namin ‘tong pagkain."

"Nako, Ma'am, hindi ho basta-basta kami nag papasok ng kung sino-sino."

Mayroong gate kung saan ayon ang unang makikita kapag na padaan sa bahay ng Alkalde Mayor. Malayo ang tatahaking daan bago makatungo sa dulo kung saan nakatayo ang Mansyon ni Dominic.

Muling tiningnan ni Miyuki Ang guwardiya. Wala talaga itong balak na papasukin sila ni Yumi. Hindi niya naman alam ang phone number ni Mang Julius at bukod doon, wala nga pala siyang cellphone na maaaring gamitin.

"Bakit hindi mo sila papasukin, Kuya Mario?"

Dahan-dahang humarap sa likuran si Miyuki. Nakita nya room si Dominic na naka-silip sa bintana ng kotse.

"Kilala niyo po sila, Mayor?" Tanong pa nito. Tumango naman si Dominic bilang sagot. "Pasensiya na po, Mayor," Dagdag pa nito bago binuksan ang gate at sinenyasan si Miyuki na pumasok.

Nang makapasok sila sa gate ay agad na bumaba si Dominic ng kotse. Naka-suot ito ng puting sando, itim na jogger at puting rubber shoes habang mayroong headband sa kaniyang buhok dahilan para makita ang maliit nitong noo. Galing si Dominic sa Sports Complex dahil sa Zumba Activity ng mga tao na inimbitahan siya.

"Sumabay na kayo sa amin, kung lalakarin niyo ang bahay ko simula dito, aabutin kayo ng ilan pang minuto," pa-anyaya ni Dominic.

Umiling si Miyuki. "Pinahati ito ni Aling Marissa sa iyo," Anya na ipinakita ang bilao ng palabok. "Tamang-tama nandito ka na, uuwi na rin kami kaya heto ang palabok kuhanin mo."

"Tatanggapin ko lang iyan kung sasaluhan ninyo ako ni Yumi kumain."

"Huh?" Takang tanong ni Miyuki.

"Ang ibig king sabihin, hindi ko mauubos ang ganiyang karaming pagkain kaya paghatian natin sa loob ng bahay ko." Sinenyasan ni Dominic si Mang Julius na iparada na ang kotse sa garahe.

"Sa inyo po ‘yung bahay na ‘yan?" Namamanghang sambit ni Yumi.

"Oo, Yumi. Mayroong mga laruan doon sa bodega, pwedeng-pwede ka kumuha. Wala namang bata sa amin na kagaya mong makulit," magiliw na saad ni Dominic na pinisil pa ang ilong ng bata.

"Nanay, saluhan na po natin siya." Aangal pa sana si Miyuki ngunit na patango na lang siya matapos ngitian ni Yumi. Hindi niya kayang tanggihan ang anak lalo na kung sasamahan pa nito ng ngiti ang paki-usap.

Nang mag simula silang mag lakad tatlo, pa-simpleng lumipat si Dominic sa kabilang tabi ni Miyuki na hindi naman nito na pansin. Si Dominic na ngayon ang na sa gilid ng kalsada habang ang mag-ina ay nag lalakad katabi ang mga punong nakatayo sa buong kapaligiran.

"Ako na ang mag bitbit niyan." Kinuha ni Dominic ang bilao sa kaniya. Hindi na umangal pa si Miyuki dahil masakit na rin ang kamay nya sa pag bitbit ng dalawang kilong pagkain na iyon. "Pasabi kay Aling Marissa na salamat sa pagkain, sobra akong natuwa."

"Sasabihin ko na lang," tipid na sagot ni Miyuki.

Maya't-maya ang pag sulyap ni Dominic kay Miyuki na diretso lang ang tingin sa daanan at hindi siya nito tinitignan. Nginingitian niya si Yumi sa tuwing magkakatingin sila nito, ngiti rin ang isinusukli ng bata sa kanila. Para nga lamang pader si Miyuki sa pagitan ng anak niya at ni Dominic.

Αγάπη μου (Agápi mou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon