Hindi lahat ng bagay nadadaan na mabilis na usapan, 'yan ang nakatatak sa isip ko simula ng lumaki ako. Nakukuha ko naman ang gusto ko pero hindi lahat, hindi naman kasi kami mayaman para lahat ng luho ko ay masunod. Nasa average lang ang pamilya namin, kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw pero minsan umaabot kami sa punto na nauubusan ng bigas at kailangan pa namin manghiram sa kapitbahay. Ganun naman talaga ang buhay, may mga pagkakataon talaga na dumadaan tayo sa pagsubok.
Nung bata pa lang ako hindi naman nagkulang ang mga magulang ko sa pagbigay ng gusto naming magkakapatid, hindi nila kami pinabayaan sa lahat ng bagay na gusto namin. Nagtatrabaho sila para maibigay ang mga gusto namin. Lahat kami nag graduate sa isang private school noong elementary kami at kahit na nagkaroon na ng problema ang pamilya namin noon sa pera ay hindi pa rin nila kami pinabayaan. Pinagtapos pa rin nila ako sa private school kahit na alam ko ng mga panahon na 'yon na nalulugi na ang negosyo namin at nababaon na kami sa utang. Hindi lang do'n natapos ang problema namin dahil umabot pa sa punto na sabay-sabay kaming nagkasakit lahat. Grade five ako ng ma-ospital kami ni ate dahil sa dengue at sunod-sunod din ang naging sakit ng isa ko pang kapatid, hindi pa natapos no'n dahil na mild stroke pa si papa. Akala ko okay na pero ng mag high school ako nagkasakit sa bato si mama na muntik na n'yang ikamatay.
Akala ko ng mga panahon na 'yon mawawalan na ako ng mama pero nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi n'ya kinuha sa amin si Mama. Unti-unti ay nakakabangon naman kami dahil na rin nakapagtrabaho si ate at s'ya na rin ang nagpapaaral sa akin hanggang ngayon na malapit na akong magtapos sa kolehiyo.
Unti-unti ay umaayos naman ang buhay namin pero wala pa rin kaming sariling bahay. Nakatira kami sa bahay ng mga lolo at lola ko. Wala naman problema do'n at okay kami pero hindi nawawala ang pangamba ko kapag may kalamidad ng dumarating. Hindi kasi ligtas ang bahay na tinirihan namin ngayon lalo na kapag may malakas na bagyo at kung lilindol man pero alam ko naman na hindi na rin kami magtatagal dito. Konting ipon pa ay makakapagpatayo na rin kami ng sariling bahay.
Ang haba na ng kwento ko sa introduction ng buhay ko. Simple lang ang buhay ko at masaya ako na kasama ko ang pamilya ko pero minsan may bumabagabag pa rin sa isip ko lalo na sa puso ko kapag ,ag-isa na lang ako.
Ito ay ang salitang pag-ibig!
Ung tipong napapa-isip na lang ako kung totoo ba talaga ang salitang 'yan. Kung may tao ba talagang nakalaan para sa akin. Ang daming tumatakbong tanong sa isipan ko pagdating sa salitang pag-ibig.
"Tulala ka naman d'yan habang naka harap ka sa cellphone mo," napaayos ako ng upo ng wala sa oras ng magsalita sa gilid ako si Katie.
Katie is my college friend, simula first year college kaklase ko na s'ya at apat na taon na rin kaming magkaibigan. Halos lahat ata ng kalokohan alam na n'ya, ung tipong isang tingin pa lang namin sa isa't-isa paniguradong may chismis o nagiging judgmental na kaming dalawa sa iniisip namin.
"May iniisip lang, ang tagal n'yo kasing dumating!" reklamo ko sa kanya.
Simula first year, ako na ata ang pinakamaagang pumapasok sa aming magbabarkada. Hindi ko alam kung sadyang maaga lang ako o talagang mga tinatamad silang pumasok. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil dalawang taon at kalahati ba naman kaming puro online class lang.
"Maaga ka lang talaga at excited pumasok masyado," sabi n'ya sa akin at inirapan ako kaya napailing na lang ako sa ginawa n'ya.
"Ayokong matraffic at hindi po ako excited lalo na kung ang computation ang lesson natin," sabi ko sa kanya dahil totoo naman.
Accountancy ang course namin at hindi ko rin alam kung bakit ito ang course ko pero ayoko na ng computation. Graduating na kami at gusto ko na rin matapos ang computation namin kaya kapag walang computation ang subject namin masaya kaming magkakaibigan sa totoo lang. Lahat naman kami halos ay pasok sa dean's list, sadyang pagod na lang siguro kami sa computation o tinatamad in short.
"As if naman makikinig tayo," sabi n'ya sa akin at ang sama namin sa part na 'yon.
Well, nakikinig naman kami sa tinuturo ng prof namin dahil para sa amin din naman 'yon para matuto kami sadyang may araw lang talagang tinatamad kaming makinig at mukang isa ung araw na 'to ngayon do'n. But despite of being lazy sometimes, we still manage to catch up with the lesson ang participate in class every day.
"Nakikinig naman ako 'wag mo lang akong demonyohin," walang prenong sabi ko sa kanya kaya natawa s'ya.
"Ewan ko sa'yo, tara na lang sa taas para makapwesto na tayo," sabi n'ya sa akin kaya tumayo na ako at kinuha ko na ang mga gamit ko para umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto namin para sa klase namin ngayong maga.
As usual may tao pa sa room pero pumasok na kami kasi nakatambay lang naman ung mga estudyante sa loob at wala naman professor. Nag charge na rin muna ang ng cellphone ko dahil lowbatt na ako at mamayang gabi pa ang uwi ko dahil may night class kami ngayon.
Habang nag-iintay ng professor at ng mga kaklse itinuon ko muna ang atensyon ko sa paglalaro ng isang farming game sa cellphone ko para naman malibang ako.
"Saan tayo mamaya?" tanong agad ng kakarating lang na si Jazmine.
"Gastos is waving!" napapailing na sabi ni Katie kaya natawa ako.
Dumating na rin sa wakas ang mga bwisit at talagang ang ibubungad pa nila ay kung saan kami gagastos mamaya. Mahaba kasi ang free time namin bago ang last subject namin kaya halos every week puro gastos kami sa sched namin na 'to.
"Saan n'yo na naman ba balak kumain?" tanong ko sa kanila at tinigil ko na ang paglalaro.
"Mall tayo o unli wings?" tanong ni Katie sa amin.
"Ang gastos sis, akala ko ba kailangan natin magtipid?" tanong ko sa kanya.
"Edi tara sa labas at mag sisig na lang tayo," sabi naman ni Mark.
"Araw-araw sisig friend," naiiling na sabi ni Meri
"S&R na lang, Pizza o steak ng matapos na usapan" sabi ni Jacob sa amin.
"Oh, ung may ari na ng sasakyan ang nagsalita kaya okay na tayo do'n," natatawang sabi ko sa kanila. Para hindi na humaba ang usapan kasi, kung saan-saan na naman kami makakarating at kapag nagsasama-sama kami puro lang gasto ang nangyayari.
Hindi nagtagal dumating na rin ung professor namin at nag start na 'ung class. Wala akong ginawa kung hindi ang makinig sa tinuturo ng professor namin kahit na nahihilo na ako dahil puro computation ung tinuturo n'ya.
Natigilan ako sa pakikinig ng kalabitin ako ni Jazmine at itinuro n'ya ang phone ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya.
Itinuro pa rin n'ya ang phone ko at dahil nga naka off notification ako wala naman akong nakitang kahit ano. Kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ang messenger ko para maitindihan ko ang sinasabi n'ya.
Napailing na lang ako ng wala sa oras ng bumungad sa akin ang group chat namin na puro mga messages nila ang laman. Naiiling na nagback read ako kung ano ang topic nila pero natigil ako ng may maalala ako.
Napa exit tuloy ako ng messenger at napapunta sa Instagram para tingnan kung message na ba ang taong kausap ko. Gusto kong batukan ang sarili ko kasi iba na naman 'tong nararamdaman ko na 'to, hindi ito healthy para sa puso ko.
Hindi ko mapigilan ung ngiti ko ng makita ko na may message s'ya. Hindi ko pa nabubuksan pero ung ngiti ko abot hanggang mata na.
In love na naman ata ako. After eight years ito na naman 'tong feeling na 'to.
I am the protagonist in this story and I think I'm up with a new adventure again.