Kabanata Three

6 0 0
                                    

Another day another happy self. Hindi normal ung ganito sa akin, ung nakangiti agad pag gising dahil lang sa isang simpleng bati ng 'good morning, eat your breakfast' dahil lang d'yan napapangiti ako at na-e enjoy ko ang pagkain ng breakfast kahit hindi naman ako madalas kumain ng umagahan.

Iba na talaga ang epekto n'ya sa pagkatao ako at kinakabahan na ako dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin nito. Iba 'to sa naramdaman ko kay Regie noon, ibang iba talaga 'to.

"Hoy iba na 'yan sisz!" sabi ni Jazmine sa akin ng umupo s'ya sa harap ko.

Nandito ako sa school ngayon dahil may face to face class kami ngayong araw.

"Anong pinagsasabi mo d'yan?" tanong ko sa kanya.

"Blooming ka at nakangiti ka na naman habang hawak mo 'yang cellphone mo eh hindi ka naman naglalaro." sabi n'ya sa akin.

"Hindi ba pwedeng may binabasa lang kaya nakangiti!" sabi ko sa kanya at ipinakita ang online reading application kung saan ako nagbabasa ng mga fictional stories.

"Sige lang maniniwala ako na 'yan talaga ang dahilan," sabi n'ya kaya napailing ako.

Ano pa ba ang magiging dahilan eh wala naman. Saka hindi pa ito ang tamang panahon para isiwalat sa kanila na may nakakausap ako. Ang alam nilang lahat wala akong boyfriend at NBSB ako, no boyfriend since birth. Noon kasi napag-usapan namin ang bagay na 'yan, may mga nanligaw naman sa akin pero hindi ko kasi priority noon lalo na nung high school.

To be honest, may nagustuhan naman ako noong high school ako. Ang tagal ko ngang nagustuhan nung tao na 'yon to the point na s'ya ung unang nagpaiyak sa akin pagdating sa usapang pag-ibig.

Flashback

"Ate Glaiza ano bang trip mo?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Bakit?" tanong n'ya rin sa akin.

Nandito kami ngayon sa tinatawag na forest dito sa school namin at naglalakad dahil wala kaming klase at naisipan namin na mag-ikot sa campus habang iniintay ung next class namin. Two hours ang vacant namin kaya keri lang na maglibot.

"Anong bakit ka d'yan. Bigla mo na lang akong pinapakausap do'n kay Regie," reklamo ko sa kanya.

Sa totoo lang ayoko kasing manghimasok sa buhay ng may buhay pero itong bestfriend ko gustong kausapin ko ung isa naming kaklase para magbigay ako ng advice do'n sa tao. Nakausap ko naman na pero kasi buhay n'ya 'yon at problema nila 'yon ng jowa n'ya.

"Nagkausap naman na kayo saka ano pa bang problema? Ayaw mo non baka kayo magkatuluyan ayieee!" sabi n'ya at may pa sundot pa sa tagliran ko.

"Ate Glaiza hindi ako magkakagusto do'n!" sabi ko sa kanya.

"Naku hindi ako naniniwala sa'yo. Tandaan mo naagdidilang anghel ako, magkakagusto ka do'n!" sabi n'ya sa akin.

End of flashback

At hindi nga nagkamali si Ate Glaiza ng sinabi n'ya na 'yon. Nagkagusto nga ako kay Regie at simula grade eight hanggang grade ten nagkagusto ako sa kanya pero wala naman nangyari.

Gusto ko s'ya at nag-uusap naman kaming dalawa pero naging awkward na lang dahil nahiya na ako sa tao tapos noong grade nine kami may gusto s'yang iba. Ung isa namin kaklase saka wala naman akong laban do'n. Tanggap ko naman na hindi ako gusto ng taong gusto ko ng mga panahon na 'yon. Nakakatawang isipin na sa taas ng standard ko noon kaya ko palang magkagusto sa kaklase ko. Don't get me wrong mabait naman si Regie at wala akong problema sa kanya ngayon. Friends naman ata kami pero di kami close. Naalala ko pa na s'ya ung dahilan kung bakit ko nagawang mang basted ng mga manliligaw ko no'n. Isa na si Dylan noon na friend ng elementary classmate ko then ung isa naman ay kaklase namin na si Alex.

Sa totoo lang kasi kaibigan lang naman kasi tingin ko kay Alex saka may feelings pa nga ako kay Regie noon kaya kahit na alam kong masasaktan ung tao binasted ko. Nalaman ko kasing may plano pala s'ya, ung mga nauusong pa surprise noong high school kaya ayun bago pa n'ya magawa 'yon sinabi ko na agad. Hindi rin kasi nakatiis si Ate Glaiza na hindi sabihin sa akin ung plano na 'yon at dahil nga ayokong maipit sa sitwasyon na hindi ko gusto kinausap ko si Alex.

Hanggang ngayon nahihiya ako sa tao dahil hindi ko nasabi sa kanya ung totoong rason kung bakit ko nagawa 'yon. Gusto ko pa rin kasi si Regie noon tapos magkabigan sila pero may ibang gusto si Regie at 'yon si Christine.

Ang tagal na rin no'n pero nagsilbing lesson sa akin ang mga nangyari noon. Nung nang senior high ako nag focus lang ako sa pag aaral ko at wala akong ibang inatupag kung hindi pag aaral. Wala akong oras noon sa pag-ibig. Aral, Kpop at Fictional Stories ang pinagkakaabalahan ko.

Nabago lang lahat ng dumating sa buhay ko 'tong kausap ko ngayon. Kaya nga sabi ko after eight years ito na naman ako. Nararamdaman ko na naman itong kakaibang pagtibok ng puso ko at alam ko sa sarili ko na iba 'to. Hindi naman na ito parang high school na puppy love tulad ng naramdaman ko kay Regie noon.

Iba 'to at 'yon ang kinakatakot ko. Natatakot ako na mahulog ako tapos mas masaktan lang ako sa huli.

Hindi naman ito parang noong high school ako, ibang usapan na 'to.

Handa na ba talaga ako sa mag take ng risk? 

The Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon