Prologue
Para akong nabubuhay sa loob ng coloring book.
Yung may mga parte na nadaanan na ng crayons ng mga bata at meron namang hindi pa, kaya nananatiling walang kulay ang ilang mga bahagi nito. Ito ang nagiging dahilan kung bakit tila mahirap mawari ang kabuuang mga guhit, sapagkat may mga detalyeng sa pamamagitan ng kulay nito mo lang maiintindihan.
Ganiyan na ganyan ang buhay ko. All thanks to the one-of-a-kind but futile ability of my eyes. I can't even consider this as an "ability", hindi rin pwedeng "disease." I really don't know how to call this one.
The thing is, my vision sets me apart, as anything or anyone whose name I know appears vibrant and full of life, while anything or anyone whose name I don't know remains colorless, trapped in a monochrome existence.
To be clear...kung hindi ko alam kung ano ang pangalan ng kahit sinong tao at mga bagay kahit na lugar, ay hindi ko ito makikitaan ng kulay. They or it will stay monochromatic sa paningin ko, maliban lang kung alam ko na ang mga pangalan nito.
Nonsense. Isn't it?
Pero anong magagawa ko, ganiyan talaga ang paningin ko. And when asked kung bakit ganito? Aba! ewan ko. All I know, ganito na ako mula bata.
I even thought before that maybe it's all because of some magical powers, but I dismissed that idea long ago. Nung magkaisip naman ako, medyo napagtanto ko na baka dahil ito sa anumang psychological issue, pero hindi rin mawari ng kung sinong doktor sa pag-iisip kung ano ito. I even recall some of their expressions nung sinabi nilang baka ilusyon ko lang due to my young age at magiging normal naman daw pag lumaki na ako.
But heck! It didn't.
The one probability left for me is my father.
I can sense na may kinalaman ang papa ko base narin sa reaksyon, kilos at maging ang galit ni mama. Nagpapanggap lang si mama na walang alam pero kapansin-pansin naman na meron.Hindi ko kilala ang aking ama, alam ko lang ang mukha niya dahil sa litratong patago kong ninakaw kay mama. I tried asking her about my father, pero palagi niya itong iniiwasan, at kung ipipilit ko, nauuwi ang usapan sa mga sigaw niya. May galit siya sa ama ko.
But I have a strong gut feeling na kayang sagutin ng ama ko ang mga katanungan ko. If only I know kung nasaan siya. Pero wala na akong balak sayangin ang oras ko sa paghahanap sa kaniya. Nabuhay ako ng 17 years nang wala siya at may ganito akong paningin, pero naging maayos naman ako. Gusto ko ng mga sagot. Pero wala na akong balak maghanap.
This phenomenon has been part of my everyday life. My vision...It has its own rules. Pag hindi kilala ang tao, walang kulay; pag kilala na, magkakakulay. Kapag nakalimutan naman ang pangalan, mawawalan na naman ng kulay. It has always been like that.
But something happened in 11th grade when, for the first time, there was someone who finally broke the cycle, the one who mysteriously defied the rules of my vision.
KATAHIMIKAN ang bumuo sa buong classroom namin ng marinig ang mahina pero nakakakabang tunog ng mga takong sa high heels ni Ma'am Enero. Our adviser walked inside our classroom with her strict expression, she screams dominance.
Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong lugar, habang halata naman sa mga buntong hininga ni Chase ang kaba niya na baka may makitang kapuna-puna si Ma'am sa classroom namin at tiyak siya ang unang pagbubuntungan ng mga tanong sa kadahilinang siya ang presidente ng klase.
Hindi lang si Chase ang parang nabawasan ang bigat sa dibdib nang finally ay huminto na si Ma'am sa pag susuri ng buong classroom at itinuon na sa amin ang kaniyang mga tingin. "Good morning class, supposedly this time is your vacant time..." Paunang sabi ni Ma'am, na nag patango naman sa amin. "Pero dahil may bago kayong kaklase, gagamitin ko na lang ang oras na ito para ipakilala siya sa inyo at para na rin makabuo na tayo ng mga grupo sa inyong favorite subject this semester...the PR1" Pag-aanunsyo niya sa klase na nakangiti, na kabaliktaran ng mga mukha naming parang binagsakan ng langit nang marinig ang mga tinuran niya.
YOU ARE READING
Names And Colors
Mystery / ThrillerIn a world where colors define reality,Elliana, a senior high school student, compares her daily life to an incomplete coloring book. With her unique eyes, she sees the world in a way nobody else can. Elliana's vision sets her apart, as anything or...