Elliana's POV
HINDI AKO makapaniwalang tinitignan ang walang kakulay kulay na lalaking ngayoy natutulog na sa tabi ko. Seeing him like that, just gave me another reason para isiping tamad siya na estudyante. Paano? Right after niyang itaas ang ID ko para ipakitang diyan niya nalaman ang pangalan ko ay agad siyang yumukyok sa armchair niya para matulog.
Nilibot ng tingin ko ang kabuuang classroom namin, lahat ng mga kaklase ko alam ko ang pangalan kaya normal silang lahat sa paningin ko, lahat may kulay maliban lang kay Kael na hanggang ngayon misteryoso parin sa akin.
Hindi lang ang pagiging walang kulay niya sa paningin ko ang nagpapagulo sa akin, maging narin ang naramdaman kong pagpapanic kanina. Sobrang panic ko na hindi ko man lang napansin na sa tabi ko pinaupo ni Maam Enero si Kael.
Well justify naman siguro kong ganoon ang reaksyon ko. Heck! nakakatakot kayang may parang isang kaluluwa na araw-araw ko nang makikita, katabi ko pa nga. Pero ang panic ko kanina ...kakaiba ehh. Kahit palagi naman akong nag papanic lalo na pag naiiwan mag isa sa lugar na maraming walang kulay na mga tao.. what I mean maraming taong hindi ko kilala, pero ang panic ko kanina ...iba talaga ehh.
The thought na siya lang ang wala paring kulay sa panigin ko kahit alam ko na ang pangalan ay enough na para hindi lang pag takhan ko siya kundi katakutan rin.
Dapat ko bang alamin kung bakit ganito parin siya sa paningin ko?
I don't think so...
Gaya ng hindi ko pag hahanap sa papa ko, wala rin akong balak sagutin ang misteryong dala ng lalaking ito. I'm not the type of person na atat na atat lumabas sa comfort zone nila, yung mga taong may simple naman pero pipiliin parin yung mahirap, yung maayos na naman yung mga buhay pero maghahanap parin ng bagong experiences or pagkakaabalahan dahil di pa kuntento.
I just wanna live my life comfortably and normally, kahit alam ko sa sarili kung may hindi normal sa akin.Okay na ako sa buhay ko, bakit ko pa guguluhin?Hangga't wala naman siyang masamang gagawin ...walang problema sa akin. Yung takot ko sa kaniya?..madali lang ang sagot. Iwas...Iiwasan ko nalang siya at sisimulan ko yun sa upuan namin. One thing to do that is my cousin na nasa harap nakaupo, at I know papayag makipagpalit ng upuan ang tangang ito , kasi mapapalapit siya kay Chase na sa harapan ko lang nakaupo.
"Attention guys!" naputol ang pag iisip ko ng kung ano-ano ng marinig ang sigaw ni Chase, na kakadating lang galing sa faculty. Itinaas niya ang hawak niyang bondpaper na nakaagaw ng atensyon ng lahat. "Nandito na ang mga magiging grupo sa Research. Kayo na bahalang tumingin...tinatamad akong i-announce ang mga pangalan niyo" sabi niya sabay lapag ng papel sa table.
Agad na nagkumahog na lumapit sa mesa ang mga kaklase kung may pake, agad silang nagdutdutan. Akma na sana akong tatayo para lumapit sa nagkukumpulan nang napahinto ako nang nagsalita ang katabi ko.
"Sorry leader, busy ako ehh.Mukhang pancit canton lang ang maiaambag ko" Kunot- noo kung nilingon ang literal na walang kulay na si Kael, na ngayo'y gising na. Itatanong kolang sana kung anong pinagsasabi niya nang maramdamang may humawak sa braso ko at ng lingunin yun, ang nasasabik na mukha ni Chase ang sumalabong sa tingin ko.
"Group 5 tayo Ellie. Ikaw ang in-a-ssign na leader ni maam...finally may kagrupo na akong matalino" nakangiting sambit nito na tinanguan ko naman, pero agad napaawang ang baba ko ng marinig ang huli niyang sinabi bago umalis.
"By the way...sa grupo din natin si Kael".
Tinawag ako na leader ni Kael kanina. Obvious sa statement niya kanina na alam niya na magiging mag
kagrupo kami. Paano niya nalaman? Ehh hindi naman niya tinignan ang bondpaper na nasa mesa. Hindi nga siya tumayo.
YOU ARE READING
Names And Colors
Mystery / ThrillerIn a world where colors define reality,Elliana, a senior high school student, compares her daily life to an incomplete coloring book. With her unique eyes, she sees the world in a way nobody else can. Elliana's vision sets her apart, as anything or...