"Kadiri ampota! ano ba yang pinapanood mo Cha! Laswa hah! Patayin mo na nga yang TV"
"Ate kissing scene lang yan! to naman, porke yan lang naabutan mo e!" sabay bato ng popcorn sakin.
Sabado ngayon at walang pasok ang highschool. Ang magaling kong Kapatid, imbes na tumulong sa gawaing bahay ay heto at nanonood ng mga malalaswang palabas. Imagine 15 years old palang siya tapos halikan maaabutan ko sa TV. Yes! saglit lang naman pero ewan ko ba! naasiwa ako!
"Aba! aba. Mag urong kana sa kusina at parating na si mama. Siguradong pagod yun sa tambak ba namang nilabahan kina aling dasig."
"Ate- patapos na nga ih!" padabog ang kanyang pagsabi, at nakasalampak pa sa sahig.
Lumapit ako at kinutusan siya.
"Dali na Charm ano ba!"
whole name means galit na ang ate. yey. Agad din naman siyang tumalima.
"Mag uurong din pala, kailangan pang kutusan eh"
"Nyenye--"