.

5 0 0
                                    


  ZYSA

"Hanapin nyo na kase," marahan kong narinig na sinabi ni Rain mula sa kabilang dulo ng pintuan. Sa mga sandaling iyon, bigla akong kinabahan.

Alam kong hindi maganda ang magiging itsura kung makikita nila akong kasama ni Jalal dito. Dahil dito, naisip kong kinakailangan ko nang umalis sa lugar na ito agad.

Mabilis kong niligpit ang aking mga gamit na nagkalat sa ibabaw ng lamesa. Isang tingin ko pa lamang, alam kong kailangan kong ayusin ang kalat na ito. Dali-dali kong pinatay ang aking laptop, sinara ang mga file na bukas, at siniguradong wala nang bakas na magpapahiwatig na nandito ako.

Handa na sana akong umalis, ngunit may isang kamay na biglang humawak sa akin.

"Ganyan ka na ba talaga?" saad nya, anong ibig nyang sabihin?

Hindi ko na lamang sya pinansin at deretso na akong umalis.

Nothing to see hereWhere stories live. Discover now