"Bat ngayon ka la–" Nilagay ko ang aking Daliri sa aking bibig para ipahiwatig sa kanya na tumahimik at baka marinig kami.
Nang makalapit na ko sa upuan ko dali dali akong umupo akala ko'y makakahinga na ko ng maluwag ng bigla akong napahiga kasama ng inuupuan kong bangko. Sa dinami dami namang upuan sa room namin eto pang sira ang na-upuan ko bwisit talaga.
Napalingon lahat ng kaklase ko sakin kasama narin ang napaka sungit naming Professor, Si Prof. Dela Cruz isa sa mga pinaka matagal na Guro dito sa aming paaralan "Kung minamalas ka naman talaga oh" bulong ko sa sarili ko
"May balak ka papalang pumasok Ms. Guevara"
"Ah S-sir kasi po-"
"So ano nanaman ang excuse mo ngayon ha"
Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan ayoko pa naman na lahat ng tao naka tingin sakin parang mas gugustuhin ko pang magpalamon sa lupa ngayon.
"Kung ganyan ang ipapairal mong pag uugali sa korte abay malayong maka panalo ka ng kaso" saad nito.
"Pasensya na po talaga hindi na po ito mauulit."
"Hinding hindi na talaga to mauulit dahil kapag inulit mo pa yan, Hindi ka na makakapasok sa silid kong to." Tyaka ito lumabas ng aming silid.