Kabanata 6
Overnight
"Kalei, ayos ka lang ba? Kanina talaga gusto ko nang sabihin, mabuti at marami pala ang nakakita sa nangyari at dinepensahan ka," huminto si Kaia sa paglalakad nang nakaabot na kami sa pinto ng guestroom ko. Nakabusangot ang kaniyang mukha. "Hindi ko alam gano'n pala ang ugali ng Aya na 'yon. Nasabihan pa tuloy siyang 'OA'. Ngayon ko lang talaga na-realize din. May mga lalaking malinis ang intensiyon at gusto lang talagang tumulong pero napagkakamalan nang manyak. Kung 'di mo 'yon tinulungan baka nasubsob na ang mukha no'n sa buhangin! Ang mas malala pa ay mapilayan siya sa pagkakahulog! Ang arte niya pa naman!"
She was right. They thought of me as a boy. They did not know the truth. Minsan sa pagkakataranta at kagustuhang tumulong ay agad na aaksiyon ang mga lalaki kahit na hindi nila malaman kung saan sila hahawak ang importante ay mailigtas lang ang babae. They did not mean to touch girls that way and apologize for it. How kind. They helped and yet they still ask for forgiveness.
Kaso nga lang, hindi lahat ng lalaki ay gano'n. May iba rin talaga na sadyang manyak na kaya hindi rin naman kasalanan ng mga babae kung bakit napagkakamalan nilang gano'n ang ibang lalaki na gusto lang namang sagipin sila.
We just arrived home. Naiwan si Daumier sa labas ng bahay. He answered a call.
Manang Sonya offered us to eat dinner that Kaia and I politely declined. Busog pa kasi talaga kami sa kinain kanina. At the time being, all we wanted was sleep and rest. Naiintindihan naman ni Manang Sonya at hinayaan na kaming umakyat dito.
Naalala ko na naman tuloy ang mga nangyari kanina. Aya was screaming and yelling, in hysteria. Pinagpipilitan niya talagang hinihipuan ko siya. I was surprised that the other boys stood for me. They corrected her. I was not expecting that. Mali ang inaakala kong baka ay pagtulungan nila akong bugbugin dahil sa nangyari. Turned out that they saw the whole scene. Girls were siding Aya. Pero kalaunan ay naniwala na rin sa sinasabi ng mga lalaki dahil pati iyong namamangka na nagsundo sa amin ay sinabing wala namang mali roon at sadyang tinulungan lang siya.
I apologized with my bored expression. Besides, I did not want anymore of their dramas. Our time was wasted because of it.
"Pahabain mo na kasi 'yang buhok mo e' nang maipagsigawan mo na sa buong Madridejos na babae ka talaga!" si Kaia na sumunod sa akin sa loob ng guestroom ko.
"Kalimutan mo na 'yon," pabagsak kong binitiwan ang bag na dala sa kama bago tinuro ang alagang pagong na nakaangat ang ulo sa amin, nasa sa sahig ito sa sulok ng malaking kulay puting aparador. "Dalhin mo na si Testudo. Pumunta ka na sa kuwarto mo at matulog."
She did what I told her to do. Happily taking our little turtle to her room. Testudo had became her guardian at night. She really believed that the turtle had the ability to shoo those bad spirits, disturbing ghosts, and monsters under her bed. Who thought that turtles could be like cats? Silly.
Morning came. Kagaya nang nakasanayan ay maaga kami pareho ni Aya na nagising. She went inside my room unannounced. Hindi ko rin naman kasi ni-lock iyong pinto. I was not used to it. Sa maliit na kubo kasi namin doon sa Compostela Valley ay wala namang pinto ang kaisa-isang silid namin. Kurtina lang bilang panakip.
Doon naman sa maliit na bahay na bigay ni Sir Everardo sa amin ay may pinto naman ang dalawang silid, may lock pa, pero hindi naman namin ginagamit iyong lock.
Kaia and I shared one room, so there's no reason for us to knock. Now that we were sleeping in separated rooms, I think she needs to knock first before getting in. Pero hinayaan ko na lang, wala namang kaso sa akin 'yon pero dahil sa narito kami sa ibang bahay. Sa tingin ko ay kailangan ko siyang pagsabihan na kumatok muna bago pumasok kung sakaling sa ibang kuwarto niya gagawin iyon. It's the proper etiquette and good manners for those people having this grand life, or even those middle class folks.
BINABASA MO ANG
The Captain's Only Sea (Cavanaugh #3)
RomanceCavanaugh #3 Kaleidoscope is a marine archeologist and a wreck diver. The unbothered, expressionless, and boyish girl with monolid eyes, short jet-black hair and skin of milky white. She has this personality characterizing boredom and emptiness. Wit...