Kabanata 3
Gay
"Hi!" My classmate that was the prettiest who just arrived and trying to choose which seat she would prefer sitting, approached me right after Daumier left. "May nakaupo ba rito?" she cutely pointed the seat beside me where Daumier had just sat.
I shook my head.
"Okay, puwede ba akong maupo rito?"
"Ikaw bahala, 'di ko naman pag-aari 'yang upuan," mahinahon kong sagot.
Nahihiya niya akong nginitian at naupo na nga sa katabing silya. "Ah thank you."
Kalalabas lang ni Daumier. He was apparently pissed but he did not make a scene anyway.
Binalik ko na lang ang tingin sa labas ng bintana kahit pansin ko na pasulyap-sulyap sa akin ang katabi kong magandang babae. What? Is she expecting me to ask what her name is? Introduce myself to her? Maganda naman talaga siya sa mahabang mukhang malambot na buhok niya at makinis na balat, lalo na rin na maliit ang kaniyang mukha at may kalakihan ang mga mata. That's obvious. She was like a living doll. Pero wala naman akong kakaibang nararadaman sa kaniya.
Straight nga ako sabi kahit na ganito ang hitsura ko. Mukhang lalaki. Dagdagan pa na hindi ako pinalad na magkaroon ng malaking harapan.
"'Wag na tayong mangarap mga ante. May nanalo na."
"Bagay naman sila parehong maganda at guwapo."
"Nandito na si Ma'am. Manahimik na kayo," sita ng isang babae'ng nakaupo sa pinakaharap nang may guro'ng pumasok.
The class went on starting by introducing ourselves after the Class Adviser explained some school rules, regulation, and classroom policies. Sinulat din ng guro ang listahan ng subjects namin kasama na ang Subject Teacher. Ang guro na nagpakilalang si Mrs. Salve o Ma'am Salve ay tinawag na rin kami para sa attendance.
Kanina ko pa talaga napapansin ang pagdududa sa mga mata ni Ma'am Salve tuwing nahahagilap ako rito sa likuran. Lalo na kanina nang pinakilala ko ang sarili ko sa maikling introduksiyon. Pangalan at edad lamang ang sinabi ko. Ma'am Salve asked about what my hobbies were but I answered none because I usually helped my father with his work.
Sa totoo lang ay may iilang hobbies naman talaga ako. Mahilig din sa sports katulad ni Mama. Pero ayaw ko sa lahat ay ang ibahagi ito sa paraan ng salita. Gusto kong makita nila ito sa aking mga aksiyon at gawa.
Dahil unang araw pa naman ng pasukan ay hindi agad nagturo si Ma'am Salve. Bukas na raw siya magsisimula para sa unang lesson namin sa English Subject. Umalis ito dahil mayro'n daw munang aasikasuhin sa kanilang department office. May sumunod na dumating na Subject Teacher at gano'n din naman ang ginawa nito katulad kay Ma'am Salve na Class Adviser namin. Pakilala at kung ano pa'ng batas sa loob ng paaralan, silid aralan, at sa mismong subject niya.
Same as Ma'am Salve, our Subject Teachers were also throwing glances of doubt at me. Sa listahan naman kasi ng students sa class record nila ay hindi naman hiniwalay ang babae at lalaki. Siguro ay magkaiba sa nakapaskil sa pintuan na listahan, a class record nila marahil may nakalagay kung ano'ng gender namin.
Hanggang sa huling subject namin ay Math. I was silent the whole morning class. Kahit sa thirty minutes recess break namin ay hindi na ako nag-abalang lumabas at pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. Hindi naman ako nagugutom. Sa lunch naman ay nakasabay ko si Kaia. Nagbaon naman kami pareho ng kanin at tirang ulam kaninang umaga kaya kinain namin iyon sa student's outdoor lounge kung saan may mga mahahabang mesa at may mga upuan.
Gano'n pa rin naman. Pinagtitinginan kaming dalawa. Pinagdududahan, karamihan ay kuryuso. Lalo na at hindi naman ako tinatawag ni Kaia ng 'ate'. Nasanay kasi itong sa pangalan ko lang kahit ano'ng turo sa kaniya ni Mama at Papa ay ayaw talaga. Hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi niya na ako ginagalang bilang nakakatandang kapatid. Ginagalang niya pa rin naman ako lalo na kapag inuutusan ko ito ng gawaing bahay na hindi ko magawa dahil abala rin ako. Hindi naman siya nagrereklamo at masunuring gagawin iyon. Sa pamilya namin hindi talaga nawawala ang pagtutulungan at sa paraang iyon ay parang ginagalang na rin namin ang isa't isa. Iyon ang turo ni Mama at Papa.
BINABASA MO ANG
The Captain's Only Sea (Cavanaugh #3)
RomanceCavanaugh #3 Kaleidoscope is a marine archeologist and a wreck diver. The unbothered, expressionless, and boyish girl with monolid eyes, short jet-black hair and skin of milky white. She has this personality characterizing boredom and emptiness. Wit...