Chapter 1

3 0 0
                                    

Isang araw na ang makalipas ng mag enroll ako sa pinakasikat na university dito samin. Excited ako kasi matagal ko nang pinapangarap makapasok dito. Buti nalang at pinagbutihan ko ang pag aaral nung highschool, kaya naging scholar ako.

Ako nga pala si Alliah Tiongson Lim. Yalli for short. Pano naging Yalli? Yung "Ya" kinuha sa Alliah, while yung "lli" sa Lim. Di nyo gets? Wapakels. Dejk. Sawang sawa na kase ko sa mga kaklase kong panay ang tanong kung bakit yun yung palayaw ko, eh you know, tamad mag explain kaya keme nalang.

Hmm... pano ko ba idedescribe yung sarili ko? Physical Apperance? Muka akong tao. Lol. What i mean is, sakto lang. Di maganda at di din naman pangit. 5'7 ako. Matangkad na ko para sa edad ko, lagi akong inaasar ng mga kaklase ko kasi, kasing tangkad ko yung flagplole sa school. Nojoke. Super puti ng balat ko. As in super. May hepa na ata ako eh. I dunno. Yung hair ko naman ay parang damo, pero humaba na kaya walis tambo na. Yung katawan ko naman parang poste. Bakit? Wag nyo na itanong pa kung ayaw nyo mapektusan magkabilaan. Tatanong pa eh.

Di rin ako matalino. Let's say na focused ko lang talaga ko sa studies. Dun lang umiikot ang mundo ko ngayon. Pinangako ko kasi sa sarili ko na no distractions pagdating sa studies. Tanging si Michael lang na crush ko dati. Charing.

Pagdating naman sa emotional? Masyadong fragile ang puso ko. Lol. Hindi naman sa may heart problem ako ahh? Hindi ganon.

Ako yung taong strong from outside, weak inside. Soft hearted ganon? Madali lang akong umiyak basta kaibigan na ang pinag uusapan. Ayoko kasing may nakikitang umaalis at nang iiwan. Yan ang dahilan kung bakit ayoko nang ma attach masyado sa isang tao.

Ayokong pinapakita sa iba na nasasaktan ako. Lalo na sa mga parents ko. Pag gusto ko nang umiyak at madaming tao, kinikimkim ko muna saka maglalabas ng sama ng loob sa bahay. Sa kwarto ko tumutuloy hindi sa bowl enebe.

That Promise You MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon