"YALIIIIII GISENGGGGG!"
Muntik naman akong malalaglag sa kama ko dahil sa mala sound system na boses ni mama. Kahit kailan talaga tong si 'ma, nauuna pa sa alarm clock ko. Saka kung makahiyaw parang dalawang kanto pagitan namin sa isa't isa samantalang nasa tabi nya lang ako. Haays.
"Bakit ma? Anong nangyayari? Binabangungot ba ko? Anong sinasabi ko? NASAN AKO?" gulantang na sagot ko.
"Shunga! First day mo sa school ngayon kaya maaga pa lang ginising na kita. Hindi kasi magandang first day palang late ka na agad, ikaw pa na cooking oil matulog? Che." sagot nya. "Saka 'nasan ako?' ka dyan?! Malamang nasa bahay. Feeling mo naman nasa fairytale ka na nagteteleport habang natutulog. In your dreams 'nak." sabay taas kilay ni mama.
K nalang ang naisagot ko sa mga sinabi nya. Nagtanong lang ako daming satsat eh no?
Babangon na sana ko mula sa gilid ng kama na pinaghulugan ko. Hinayaan ko na kasing malaglag ako sa kama para instant pampagising na rin, natutulog pa kasi ang diwa ko. Napa ouch nalang ako sa ginawa ko at nagkapasa pa ko sa braso. Nakalimutan kong meron nga pala ko ngayon. *facepalm*
Bumangon na ko saka sinimulang gumayak. Di katulad kahapon, di nako masyadong excited sa pagpasok ngayon. Alam ko kasing mahihirapan pa kong mag adjust dahil namimiss ko ang dati kong alma mater.
Sunod ko ng sinuklay ang buhok ko. Hirap na hirap ako, bawat hagod ko kasi, may pause kasi masyadong buhol buhol. Buhok pa ba talaga to? Hanggang sa may narinig ako tumunog.
"Ano yon?" Saka tumingin ako sa ilalim ng mesa, wala naman. Tinaas taas ko yung mga libro, wala din. Hanngang sa mapatingin ako sa baba ko, isang hibla ng suklay. Tinuon ko ang mata ko sa suklay na hawak hawak ko. Nagulat nalang ako nang makita kong dalawa nalang ang ngipin ng suklay nato. Bigla naman akong naawa sa suklay dahil bungi bungi na 'to, siguradong papagalitan nanaman ako ni mama pag nakita nya tong suklay na binili nya kagabi sa mall. Ako nanaman pagbibintangan nya. Sino pa nga ba? Fine. Eh ako lang naman may mala walis tambong buhok dito sa bahay. Nyenye.
Sumakay nako sa limo namin. Teka, tricycle lang pala 'to. Lumalala na yata ang pagiging ambisyosa ko.
Nang nasa kalagitnaan na ng byahe hindi ko maiintindihan kung bakit di ako mapakali, feeling ko may naiwan ako sa bahay.
Tae, yung pera ko....
Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa katangahan kong 'to. Pano nako neto? Hays naman. Pag nalaman ng mga teachers ko dati na ganito ko kabobita, baka tanggalin pa nila ang scholarship ko eh. As if.
Bumaba na ko sa tricycle at nakiusap kay manong kung pwedeng utang na muna. Pansin ko namang napairap sya bago umalis. Arti ni kuya, feeling mo namang ikakahirap nya yung sampung piso kong pamasahe. Duh?
Pumasok na ko dito sa school at napanganga. Wooow! Talaga palang anlaki ng school na'to, as in dito talaga ko mag-aaral? Wooow ulet. Hihi. Habang nakatitig ako dun sa mga building, kita ko sa peripheral view ko na may grupo ng mga lalaking papunta sa gawi ko.
"Oy ate, isara mo yung bibig mo baka pasukan ng langaw. Hahaha" napataas naman ang kilay ko at sinara na yung bibig ko. "Probinsyana yata yan eh, ngayon lang nakatapak sa ganitong mamahaling school. Kita mo manghang mangha. Hahaha" saka sila ulet nagtawanan.
Abay mga bungol pala to eh? Ako, probinsyana? Ako pa talaga ha? Ha-Ha. Akong may kutis porselana pa talaga na mukhang may hepa sasabihin nyong probinsyana? Over my no curves and poste look alike body. Saka scholar kaya ako dito. I'm sure kayo, kaya lang kayo nakapasok dito dahil sa mga pera nyo. Che.
"HOY, FYI, HINDI AKO PROBIN--" sasagot na sana ko nang mapatigil ako at mapanganga for the second time around the world and yunibers, emergersh.
Isang gwapong nilalang ang nasa harap ko. Para kong nakatitig sa isang anghel na pinababa sa lupa para salubungin ako sa first day of school ko. Emeged. Nakatitig lang sya sakin habang nakataas ang kanang kilay na parang inuusig ang bawat hibla ng pagkatao ko. Pero wala akong pake, pinagmamasdan ko lang mukha nya. Tangos ng ilong, ang kinis, chinito at ang putiii. Meant to be ba kami nito? Chos kire.
BINABASA MO ANG
That Promise You Made
Teen FictionSa mga napagdaanan ko, masasabi kong immuned na ko sa pain. Hindi naman ganito ang sitwasyon namin dati. Pero bakit umabot sa ganito? Magkakaroon pa kaya ako ng happy ending?