Chapter 1
"Dianne!" Tawag sa labas ng kwarto ko.
Hay! Naku.. ang aga-aga nambubulabog na naman ang bestfriend kong 'to.
For sure ikukwento na naman nya ang mga babaeng nakadate nya nung isang araw. Nakakabagot na ang mga topic nyang yun at paulit ulit nalang..
"Bakit na naman Adrian?? Ang aga-aga nambubulabog ka sa taong tulog" sumbat ko.
"Buksan mo muna 'to" excited na tugon niya.
"Bakit ba??" Pagod na tugon ko sa kanya at pinagbuksan ko na sya sa kwarto ko at humiga uli.
Naglulundag siya sa kama ko.
"Inaccept na ni Fiona ang request ko sa facebook" ngiti niyang tugon.
Si Fiona Diaz ang sikat na modelo. Iniidolo niya talaga ang babaeng ito ewan ko ba at patay na patay siya sa babaeng ito. Oo maganda, sexy, maputi, mahaba ang buhok, makinis ang kutis. At sigurado akong maraming maghahabol sa kanya.
Pero nagdidileryo yata tong si Adrian bat ba mag open ng ka cheapan ang sikat na modelo sa isang networking site. Baka fans lang nito ang naka chat nya..
"Tigil tigilan mo nga ang pag aambisyon sa babaeng yan Adrian baka fans lang yan na nagopen ng account sa babaeng yan at niloloko ka lang"
"Hindi bestfriend, nakachat ko pa siya mismo kagabi at kanina kaya siguradong sigurado ako na siya talaga yun" paninigurado niya.
"Hay naku! Pag niloko ka lang niyan bahala ka at uuwi ka ring luhaan"
"Guess what?? Binigay niya yung no. Nya sa akin at tatawagan ko siya maya at---"
"Naku!? Alam ko na yang pinunta mo dito wala akong pera sa ngayon Adrian kaya manigas ka"
"Selosa talaga tong bestfriend ko." Niyakap niya ako at nilalambing para mapagbigyan ang gusto niya.
Alam na alam talaga niya ang kahinaan ko.
"Wag mo kong dinadaan sa ganyan Adrian alam kong may kapalit yang paglalambing mo. And i said no, and thats final"
Nagbuntong hininga siya at kumalas na sa pagkakayakap sakin.
Tsk. Paano ko ba matatangihan ang lalaking to.
"O sige na. Heto na. Nakuuu.. kung hindi lang kita bestfriend tinuluyan na kita."
Binigyan ko na siya ng pangload niya.Nakangiti na siya ng malapad.
"Alam kong hinding hindi mo ako matitiis"
Hinalikan niya ako sa noo at nagthank you at umalis.
Matagal na kaming mag childhood bestfriends ni Adrian halos close na ang both parents namin. At matagal na akong may lihim na gusto sa bestfriend kong yun pero pinipigilan ko ang sarili kong magsabi sa kanya. Kasi baka layuan niya ako pagnalaman niyang nararamdaman ko sa kanya.
Kahit masakit sa akin na marami na siyang nakakadate at nililigawang babae pero mas lalo ko siyang minahal dahil sa ginagawa niya sa akin sobra pa sa girlfriend ang ginagawa niya..
Halos pinaguusapan na kami ng mga kapitbahay at mga tambay sa kanto sa closeness namin..
And she treated me as her younger sister lang... how sad.. pero ok narin to at least may forever sa amin.
Kinahapunan
Lumabas na ako sa opisina sa tinatrabahuan ko, nakita kong patakbo palapit sa akin si Adrian at binuhat ako.
"Teka, Adrian ibaba mo nga ako!" Pagtitili ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Bakit ba? Anong problema mo at ang saya-saya mo yata ngayon"
"Pumayag siya Dianne!?" Sigaw niya.
"Pumayag saan?"
"Makikipagkita sa akin si Fiona" ang lapad ng ngiti niya.
Ayan na naman ang babaeng yun.
"Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa pangalan na yan Adrian. Baka niloloko ka lang nyan baka ikaw lang din ang matatalo sa huli" pagtatakot ko sa kanya.
"Sasamahan mo naman ako diba?" Puppy eyes..
"Wag mo akong sinasali sa mga trip mo Adrian huh, pumunta ka magisa mo"
"Sige na samahan mo na ako, kung hindi siya sisipot edi tayo nalang magdate bukas" at may kahulugan ang mga tingin nya. Nakakatunaw. Umiwas ako agad ng tingin.
Pero the truth is kinikilig ako sa huling sinabi niya.
"A--yaw"
"Kahit may ice cream??"
Tinitemp niya talaga ako sa mga gusto ko. Pero magpapakipot muna ako.
"A--yaw"
"Kahit na ililibre kita ng favorite mong food sa jolibee??"
Uuuyyy... isang fav pa.. pakipot uli..
"A--yaw"
"Kahit bilhin ko pa yung favorite mong pizza??"
Uuyyy.. isa pa yun.. pakipot uli..
"A-yaw parin"
"Hmmpp.. kahit bilhin ko pa yung favorite mong book yung ano nga title nun??"
Ayan na bumigay nako jan.. alam niyang mahilig talaga akong magbabasa ng mga romantic novels..
"O sige na. Basta bilhan mo ako ng lahat ng mga sinabi mo.. ito talagang taong to talagang alam mo ang kahinaan ko sa lahat ng bagay."
at inakbayan niya ako palakad palayo sa office.
"Saan pa at naging mag childhood bestfriends tayo talagang kilalang kilala kita kahit amoy nga ng kilikili mo kilala ko pa.. pa.amoy nga"
At tinaas niya ang kamay ko at inamoy iyon.. yuck kadiri talaga tong taong to. Kaya hinampas ko siya sa dibdib.
Buti nalang at wala akong pasok bukas at masamahan ko si Adrian. Pero at one part of my heart it hurts seeing the person you love seeing other woman he loves.
Pero parang hindi na ako na sanay sa kanya iilang babae na ang naging girlfriend nun pero iba parin ngayon e. Masakit pero dapat kong tanggapin na hanggang dito lang talaga kami.
Ilang beses na yang nasaktan sa mga naging girlfriends niya pero hindi parin siya nadala sa akin parin tumatakbo..
Ang sarap lang nyang batukan at isinghal sa harap niya na andito lang naman ako sa malapit at tabi niya na handang magsakripisyo at handang makinig at magmahal sa kanya..
Tanga lang talaga siya at bulag lang.
Kasi hindi niya ako nakikita.
He deserves better than those girls his dating.. sinong better yun?? No other else but me.. dapat naman talagang maging humble ako.
Sa tagal na naming magkakilala alam na namin ang kahinaan sa isat isa.
To be continue..
Wait nyu po ang continuation nito mga after 30 mins. Nadelete ko kasi ang chapter two.. hehe may 4 chaps na nakaready na dito..
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionAno ba ang mas mahalaga ang makita mong maging masaya ang bestfriend mo sa iba o ang kaligayahan mo na kasama mo siya..