Chapter 2
Nagaantay kami ngayon sa date ng mokong. Ewan ko ba naiirita ako ngayon wala ako sa mood ngayon. Sumama ako kay Adrian ngayon sa pagkikita nila ni Fiona. Ayaw ko sanang sumama kaso hindi ko mahihindi ang inoffer niya kahapon kaya pumayag nalang ako.
Kanina pa kami nagaantay sa may park nitong mall. Kaya nababagot nako. Excited lang ba tong kasama ko o late lang talaga tong ka meet up niya. Mayamaya pa may tumawag sa kanya.
"Hello Fiona saan kana?? Ikaw ba yang naka cap na blue??
...
Tiningnan ko din sa may unahan na babaeng nakatao mula pa kanina.. OMG ito ba talaga si Fiona yung modelo?? Talagang totoo nga na siya ang babaeng kachat at katawag ng bestfriend niya.
Parang asong ulol tong bestfriend ko, iniwan man lang ako nakatayo dun at pinuntahan ang babaeng yun.
Sinundan ko nalang siya.
"Hi Fiona. Im Adrian kanina ka pa ba??"
"Ahmmp nope, just a bit lang naman. Who is she??" Pagtataray niya.
"Ahh.. si Dianne bestfriend ko. Ahh Dianne si Fion--"
"Kilala ko na siya no hindi mo na dapat ipakilala pa sa akin. Sinong hindi makakakilala sa sikat na modelong yan" tinarayan ko pabalik.
"So Fiona. Lets take some coffee??"
"Ok. Is it ok if tayo lang dalawa??"
Abay! Gusto pang isolo ang bestfriend ko. Sige Adrian pumayag ka ngayo talagang hinding hindi kita papansinin.
"Ahh ok if thats what you want"
Nilayo muna ako ni Adrian kay Fiona.
"Dianne ok lang ba??"
"Oo na. Magpakasaya ka ngayon pero wag mung kakalimutan yung ipinangako mo kahapon."
Nilahad ko ang kamay ko para ihingi yung ipinangako nya. Binigyan naman niya ako kaagad.
"So paano alis na kami ni Fiona. Ingat ka pauwi sa bahay magtext ka agad pagdating mo ng bahay"
"Oo na. Alis kana nababagot na ang kadate mo."
Tiningnan ko si Fiona. Iritang irita na sa amin ni Adrian. Bago umalis si Adrian sa harap ko hinalikan niya ako ng madalian sa noo.
Sabihin niyo sinong hindi magkakagusto pag ganyan ka sweet sa inyo ang bestfriend nyu..
Umalis na si Adrian.
Bumili ako ng mga paborito ko.. at agad ng umuwi sa bahay. Nakasakay nako ng taxi ng biglang tumawag si Adrian.
Adrian calling..
"Hello, nakasakay ka na ba??"
"Oo nasa taxi na ako."
"Mabuti naman, wag mong kalimutang itxt ako pag kadating mo ng bahay"
"Oo na paulit ulit mong sinasabi diyan."
"Pasensya kana Dianne kung pinauwi kita kaagad"
"Ok nga lang. Basta tinupad mo lang sinabi mo masaya na ako."
Pagsisinungaling ko alam kong hindi ako masaya."Sige, ingat ka"
Dumating na ako sa bahay. At napagisipan kong manuod ng movie..
"Pitch perfect" ang pamagat grabe sobrang gagaling ng mga cast kahit akafella lang..
Inaantok na ako at hindi ko maubos yung mga pinamili ko kanina kaya napagpasyahan ko munang matulog saglit sa kwarto.
Naalimpungatan nalang ako na parang may tao sa may sala na nanunuod ng tv. Kaya tumayo na ako at pinuntahan kong sino yun.
"Ohh.. kanina kapa??" Tanong ko kay Adrian na tawang tawa sa pinapanuod niya.
"Hindi bago lang, nagutom kasi ako kaya inubos ko na mga binili mo"
"Ok lang, hindi ko rin naman yan mauubos lahat"
Tinabihan ko siya sa sofa.
"Ahh.. Dianne ok lang ba sayo na ligawan ko si Fiona"
Nabigla ako sa sinabi niya.
"B-bakit mo naman ako tinatanong ng ganyan.. dati nga hindi kana nagpapaalam sa akin tapos ngayo--"
"Basta alalahanin mo palagi na mahal na mahal kita Dianne no.1 ka parin para sa akin."
At niyakap niya ako. At ano daw??? Mahal niya ako. Nabingi yata ako dun.
"Ano?? Mahal mo ako" kuminang ang mata ko. At nilingon ko siya
"Oo bilang bestfriend ko, little sister ganun basta pinakaimportante ka sa buhay ko"
Ouch..
To be continue..
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionAno ba ang mas mahalaga ang makita mong maging masaya ang bestfriend mo sa iba o ang kaligayahan mo na kasama mo siya..