Text

788 23 7
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Text



Yohan's POV




Di pa rin ako makapaniwala! Isang taon na kami bukas ni Dominique! Isang taon na kami ng mahal ko! Di ko ineexpect na ang dating babaeng pinapangarap ko lang na makasama o makausap ay nayayakap, nahahalikan at naaakbayan ko na. Nahahatid sundo ko pa. At ang pinakakinatutuwa ko? Legal kami sa magulang niya at magulang ko. Ako na ata ang pinakamasayang lalake sa buong mundo eh. Mahal na mahal ko si Nique. Sobra pa sa sobra. Sobra pa sa buhay ko. At kahit mamatay man ako, hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko kay sakanya. Pero kung gaano naman ako kasaya ay ganun din ang nararamdaman kong lungkot. Miss na miss ko na kasi siya. Isang linggo ka ng busy sa thesis niya kaya di na kami nagkakaoras sa isa't isa. Balak ko kasi siyang sorpresahin bukas kaso di na ako makapaghintay eh. Gusto ko na siya puntahan sa bahay nila. Takte. Di na kita matiis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nique.



"Hello?"



Yes! Sumagot siya!



"Hi baby! Kamusta ka na? Ang saya saya ko ngayon!"



Kahit di niya ako nakikita, sobrang lapad ng ngiti ko. Oo. Ganun ako kabaliw sakanya. Boses niya lang marinig ko, masaya na ako.




"Teka lang Yohan. Tawag ka na lang mamaya. Busy ako sa thesis namin."



"Eh? Mamaya na yan baby. Usap muna tayo. Miss na kasi kita eh."



"Kailangan ko ng matapos to. Malapit na ang due neto diba? Alam mo naman yun."



"Sige na baby oh. Gusto kasi kita makita ngayon. Pwede ba kita diyan puntahan sainyo?"



"Di pa ako tapos sa thesis namin. Bakit ngayon? Magkikita naman tayo bukas ah."



"O sige na nga. Kahit tapusin lang natin tong call. Gusto lang naman kasi kitang makausap. Ipagpabukas mo na lang yan. Please?"


Symbols of Love (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon