CHAPTER 7

2 0 0
                                    

"Aya! Boyfriend mo naghihintay na sa labas!"

Our class president, Misty, announced that while I was still putting my things inside my bag. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya at tinuro ang pintuan.

"Totoo nga!"

"He's not yet my boyfriend." Sabi ko nang masukbit na ang bag. Sienne is absent today pero hindi ko alam kung bakit kaya nanibago ako. Palagi niya kasi akong tine-text kung hindi siya makakapasok. Tinawagan at tinext ko na siya kanina pero hindi naman siya sumasagot.

Nginisihan niya ako bago bumaling kay Vin na nakatingin na sa akin mula sa labas ng pintuan. As usual, his hands are inside the pocket of his pants. Favorite posture niya ata talaga 'yan.

"Fuego! Bawal PDA ha!" Ang ingay talaga ng babaeng ito.

Ngumisi si Vin at napailing. Akala ko hindi niya 'yon papansinin pero sumagot pa talaga!

"Depende."

Eksaheradang suminghap si Misty kasunod ang pang-aasar ng mga classmates ko kaya mabilis ko nang tinawid ang distansiya namin at hinawakan ang braso niya. Mabilis ko siyang hinila na malalaki ang hakbang na naglakad palayo.

I heard his chuckle. "Why are you so shy, Aya? Alam naman ng lahat na manliligaw mo na ako."

Diniin ko ang pagkakahawak sa braso niya na tinawanan niya lang!

After the intramurals, the news about Vin dating me spread like wildfire. Marami ang mukhang nanghinayang lalo na ang mga nag-expect na sila ni Soleira. But Vin already cleared it to me that they are just friends kaya hinayaan ko nalang ang mga opinyon nila. It doesn't matter after all. If they don't want to see us together, they are free to close their eyes.

We ate our lunch in the cafeteria before we went to the library. Vin is making his essay while I was studying our last lesson in calculus.

Our examination will be next week. Ngayong linggo kasi ay intended para sa pagre-review samantalang sa College Department naman ay intramurals nila. So for the next week, the Jsavch Legacy students will be having their examination.

"Stop staring." Puna ko nang maramdaman ang mabibigat na mga titig ni Vin. Tapos na kasi siya sa ginagawa kaya ako na ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Binalingan ko siya at agad natagpuan ang mapupungay niyang mga mata.

"Ganda mo."

"Huwag ngayon, Vin. Busy ako."

He raised his brow. "When are you free, then?"

"Mamayang gabi."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Shock registered on his face until he gave me an accusing look.

"Bata ka pa Aya. Bakit ganyan kana mag-isip?"

My forehead creased and it eventually replaced by a frown when I realized he's just being so dirty minded!

"What I mean is we can call or text each other during the night. Hindi ngayon dahil busy ako."

"Talaga?" He placed his arms on my chair and whispered softly. "I won't really mind Aya... pero baka mapatay ako ng parents mo."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na inalis ang kamay niyang nakapatong sa likod ng upuan ko nang maramdaman ang paggapang nito sa braso ko. I can't believe him!

After our last period, naghihintay na si Vin sa labas ng classroom namin. Paglabas ni Miss Jen, our research teacher, ay sandali pa silang nag-usap ni Vin bago sila sabay na lumingon sa 'kin. Bumagal tuloy ang paglakad ko palapit sa kanila.

Until Forgotten (Jsavch Legacy #1)Where stories live. Discover now