NAMANHID ang aking kanang pisngi sa lakas ng sampal ni Daddy. Galit na galit ito sa akin ngayon.
"What is the f*cking meaning of this?!" turo niya sa mga baking tools at ingredients na itinago ko sa mini kitchen ko dito sa kwarto ko. Pati pala ito ay nahagilap pa nila.
Ito ang ayaw na ayaw nila. Ang gawin ko ang gusto ko sa buhay. Lihim kasi akong nagbe-bake dahil gusto ko talaga iyon.
Gusto talaga nila akong maging CEO ng kumpanya namin, pero wala doon ang aking atensyon... Hindi ko gustong pumasok sa mga ganoong mundo. Ito ang gusto ko... maging baker.
Pero wala akong makikita sa mga mata ng magulang ko kundi disgusto at pagkadismaya.
Dahil babae ako.Gusto nila ng lalaking anak... Pero... Kasalanan ko bang naging babae ako? Malay ko ba na babae ako at hindi maiikalat ang apelyido nila? Pati ba iyon ay kasalanan ko?
Ilang beses na nilang sinubukang magka-anak ng lalaki, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon na ng kumplikasyon sa katawan ng aking ina.
Tumulo ang luha ko sa sakit dulot ng pagsampal sa akin. Gumuhit ang hapdi sa aking dibdib. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila?
"How many times do I have to tell you to stop doing this nonsense?!" sigaw niya habang dinuduro ako. Nakaupo ako sa malamig na sahig habang nakayuko sa harap niya. Ang Mommy ko naman ay ipinatapon lahat ng nasa cabinet ko sa mga kasambahay.
Lubos ang kalungkutan na nararamdaman ko. Hindi ko kinakaya na panooring itinatapon lahat ng mga bagay na mahalaga sa akin.
"S-Sorry D-Dad—" bago ko pa maituloy ay nahila na niya ang aking buhok. Nakaladkad ako sa harap niya. Humapdi ang aking mga tuhod dulot ng kanyang paghila sa akin.
"Kapag nakita pa kitang gumagawa ng mga pesteng tinapay na yan, lagot ka sa akin. Naiintindihan mo?!"mabilis akong tumango habang pigil ang mga hikbi.
Marahas niya akong isinalampak sa sahig saka siya lumabas ng kwarto ko. Ang mommy ko naman ay tumingin lang sa akin saglit bago umiling na tila dismayang dismaya.
Kailan n'yo ba ako mamahalin? Kailan n'yo ba ako susuportahan?
MAY bagong lipat na estudyanteng mula sa Section B.
Ngayon ay nasa Section A na siya kung saan ang lahat ay matatalino ang estudyante.
Siya si Mavy Mendez. Ang alam ko ay matalino din ito kaya hindi na ako nagtaka na napunta na siya dito. Balita ko ay lagi siyang tahimik pero kahit ganoon ay malakas ang dating nito dahil may itsura ito. Magaganda ang mga mata niya dahil kulay kape ang mga iyon. Nakakamanghang titigan lalo na sa ilalim ng araw.
At dahil magkasunod lang ang letra ng aming apelyido, siya ay katabi ko.
Dahil Navarro ako at Mendez naman siya. Tahimik lang siyang tumabi sa akin. He's handsome, totoo nga ang bali-balita. Makakapal ang kanyang mga kilay, ang pilik mata naman niya'y nakaiinggit ang haba, natural na mapula ang labi at ang matangos naman niyang ilong ang bumabagay sa talas ng kanyang panga. Pilipino ba talaga siya?
Hindi ko na namalayang matagal na akong nakatitig sa kanya dahil sa pag-o-obserba sa kanyang perpektong mukha.
And having a perfect face like that should be a crime.
Kaya ng lumingon siya sa akin ay nagitla ako dahil nahuli niya ako. Nakakahiya. Napabuntong hininga ako at nag-iwas. Seryoso lamang kasi ang mukha niya ng lungunin niya ako.
Hindi na din ako nagulat ng ang una niyang mapansin ay ang buhok ko. Natural na kasi sa buhok ko simula bata pa ako na may kayumanggi at naiiba ang kulay sa gilid ng mga ito. Ginupit ko iyon at ginawang side bangs. Saglit lang iyon at umiwas na siya.
YOU ARE READING
Master's Servant |✓
RomanceKung ang pagsisinungaling ay ang tanging paraan para manatili silang ligtas ay gagawin ko. Pero paniniwalaan pa ba niya ako? ©All Rights Reserved