02

1.3K 25 0
                                    

NAKAKAHIYA. Matapos tumahan kanina ay bigla akong natauhan. Nilukob ang buong katawan ko ng biglaang kahihiyan at ilang.

Biglaan kong pinunasan ang luha ko at saka nag-sorry. Wala naman siyang reaksyon kanina. Pero nakakahiya pa din! Ni hindi ko nga siya masyadong kilala. At siya ang pangalawang tao na iniyakan ko. Lagi kasing si Mellaria ang kasama ko sa lahat. Kaso, absent s'ya.

Dali dali akong umalis kanina at talagang namula ako mula ulo hanggang sakong. Pumunta ako sa kabilang banyo at doon nag-ayos. Lunch na nga pala ngayon at inilabas na ang lunch box ko. Napansin kong hindi na naman kakain ang lalaki sa aking tabi.

Bagaman nahihiya, tutal napahiya ako kanina, syempre ay pakikitaan ko siya ng kabutihang asal. Pakiramdam ko ay nagkaroon ng bilog sa ibabaw ng ulo ko. Kunwari ay anghel ako.

"H-Hindi ka ba kakain?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at bahagya akong napangiwi dahil ayan na naman. Kinakabahan ako dahil sa klase ng titig niya. Huhu!

"As you can see, I'm not preparing to eat. And if you can't see, I'm reading a book. If only you don't know." napaatras ang ulo ko at nakakunot ang noong hinagod siya ng tingin. Grabeng pambabara naman iyon! Masyadong masakit sa tainga.

"Akala mo naman ay gwapo," bulong ko na sana ay hindi nito narinig habang naiinis na inaayos ang kakainin. Fine. Gwapo na siya.

Sumubo na ako at habang ngumunguya ay nabasa ko ang kanyang libro. Napangisi ako ng wala sa oras.

"Ako pa niloko mo! It's not an educational book, it's wattpad book---"

"Shut your mouth!" nanlalaki ang mata niyang sabi habang nakatakip ang malaki niyang kamay sa bibig ko. Pati nga ilong ko ay natakpan na. Hindi ako makahinga kaya nahampas ko siya.

"Ano ba! Nakain ako, 'di mo nakikita?" pinalis ko ang kamay niya ng tuluyan saka natatawang sumubo.

"It's not wattpad book, for your information. It's a poem book." napairap ako. Kasi title ang nakita ko, saka yung sumulat. Akala ko, wattpad.

Tiyak na mahilig siya sa mga tula.

"Manunula ka?" tanong ko.

"No," sagot niya.

Napahagikgik ako. "Mukha ka kasing poet." agad nawala ang ngiti ko dahil...

Umirap siya.

Natutunan ko lang talaga iyan kay Mella.

"About what?" I asked. Hindi pinansin ang pag-ikot ng mata niya sa akin. He stared at me like I'm asking pointless things. I pouted when my heart beats faster again, maybe I'm anxious. Because of that glare. Feeling close kasi ako minsan.

Bakit kaya ganoon ang epekto ng titig niya, ano? Nakatatakot, kasi kinakabahan ako, alam ko. Kumakabog kasi ang dibdib ko kapag kinakabahan.

"It's none of your business."

Napayuko ako ng may ma-realize. Bakit ako nagiging ganto bigla? Dapat, kay Mellaria lang ako ganito, ah.

Hindi na ako nagsalita pa, nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Baka mainis pa siya sa akin, at ma-figure out na hindi talaga ako mahinhin. At baka matadyakan niya ako sa mukha.

Naibalik ko na ang lunch bag ko sa sahig ng makita ko ang kamao niya na nakahawak sa libro. May gasgas iyon.

"Napaano 'yan?" mahina kong tanong. He looked at me then ignored my question again. Hindi nalang ako nagtanong dahil baka masampulan niya ako. Nakaka-bored tuloy, wala akong kakulitan dahil wala ang bestfriend ko.

Magsi-c.r. muna ako kasi gusto kong maghugas ng kamay. Nalalagkitan kasi ako dahil ang init.

I walk along the corridor when suddenly, someone grabbed my arms. Hindi pa man ako nakakalingon ay alam ko na kung sino iyon. Napapikit ako at hindi na nagpumiglas. Nahila ako ni Zafius sa isang sulok, kung saan masyadong madilim at walang taong dumaraan. Nanginginig ang tuhod ko pero nanatiling masama ang tingin ko sa kanya.

 Master's Servant |✓ Where stories live. Discover now