Chapter 1

187 8 1
                                    

Miko's POV

"Bro! Ayan nanaman si Bea oh, crush na crush ka talaga." Bungad ni Jayden.

"Baliw na baliw sa 'yo, jowain mo na kaya 'yan, tutal.. bestfriend naman 'yan ng kambal mo." Sabi ni Ken.

"Ewan ko sainyo! Kaibigan lang ang tingin ko kay Bea, hindi ako magkakagusto sakaniya kahit pa may gusto siya saakin." Sabi ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit baliw na baliw saakin si Bea, 'di naman kasi maikakaila na gwapo ako.

Sa gwapo kong 'to, talagang magugustuhan ako ng sino mang babae.

"Grabe na din ang tinagal ng feelings ni Bea sa 'yo bro, hindi pa rin siya nagsasawang maghabol sa 'yo." Sabi ni Jayden.

"I think Bea is a good girl naman, but if you really don't like her, then say it to her.. don't let her feels hurt every day you ignore her." Sabi ni Calvin.

"Hindi ko naman kasi kasalanan na nagka-gusto siya saakin, so.. wala akong kasalanan kung bakit siya nasasaktan." Sabi ko.

Gano'n na ba ako kasama para sabihin 'to? Grabe naman akong lalaki, bakit ba kasi hindi ko nalang kayaning intindihin ang nararamdaman ni Bea para saakin?

Dapat nga, masaya pa ako dahil may nagkakagusto saakin, someone still admires me even if the other girls don't like me because Mika is my sister.

Marami kasing may galit kay Mika dahil sa attitude nito, hindi ko naman kayang pagsabihan si Mika o kagalitan dahil alam ko ang nararamdaman niya.

Sobra siyang nasasaktan simula noong ipag-tabuyan siya ng mga relatives namin kapag ka hindi siya nangunguna sa klase.

Ako kasi wala naman akong pakialam kahit ipag-tabuyan pa nila ako, nandiyan naman ang tunay na pamilya ko para suportahan ako.

"Hoy, Binibining Bea!" Pagtawag ni Jayden.

Kahit kailan talaga, loko 'tong kumag na 'to e. Biruin mo, tinawag pa talagang binibini si Bea.. hayss!

Agad naman siyang nilingon nito at inirapan, nang magtama ang tingin namin, saka bumago ang ekspresyon ng mukha niya.. tinitigan at nginitian niya ako.

Hindi ko nga alam kung bakit nag-iiba 'yung pakiramdam ko kapag nakikita ko siya, 'yung feeling na kahit naiilang ako sakaniya dahil sa gusto niya ako.. kapag kasama ko siya parang ang gaan-gaan ng loob ko.

Kaya kahit ganoon, kapag may nagtatangkang mang-bully sakaniya.. hindi ko napipigilan ang sarili kong ipag-tanggol siya.

"Hey, Miko!" Hindi ko namalayang nandito na pala sa tabi ko ang babaeng kanina ko pa iniisip.

"Hey! Wazzup! Kumusta na?" Tanong ko.

"Well, still in love with you." Sabi niya. Eto nanaman tayo.

"Charot lang!" Dagdag niya.

Eto, ang hilig mag deny e.. kahit na alam ko na.. o alam na ng karamihan na may gusto siya saakin.. hindi pa rin mawala-wala sa bibig niya ang salitang "charot".

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

"Oo, ikaw?" Tanong ko.

P*ta! Ba't ang awkward?

"Sabay na tayo bhie, baka kidnapin ako e." Sabi niya kasabay ng nakakalokong tawa.

Bhie? Taena!

Hindi pa nga ako nakakasagot, kinuha niya na agad ang kamay ko at pumulupot sa braso ko.

Hilig niyang gawin 'yon, wala namang malisya 'yon saakin.. 'yung ibang tao lang talaga na mahilig gumawa ng issue.

The Chant of Love (SHS Series #2) | ONGOINGWhere stories live. Discover now