chapter 1

46 3 0
                                    

chapter 1

role play

"ayun nga no, iyang mga ka-grupo nyo na yan ay ang makakasama nyo sa pag sasadula nyo ng nobelang 'romeo and juliet' na tatanghalin sa susunod na susunod pang linggo," sabi ng teacher namin sa filipino.

ay nako! role play nanaman sawa nako. tumingin ako sa mga kaklase kong parang nasusuya na ang muka. 

"role play nanaman? 'di ba nasasawa to si binibini..." bulong ni chelsee sa'kin habang si red at eli at parang naiirita na sa teacher namin.

"yan lamang po, paalam na." , tumayo na kami at nag paalam na sa guro namin at nag simula na ding mag bulung bulungan sa room namin.

'role play nanaman teh! mamatay nako dito'

'lilipat nako ayoko na'

'ang cringe naman non eh! tapos si ano nanaman yung juliet hayst.'

tumunog na ang bell, 3:00pm na at uwian na, lumingon ako sa mga kaibigan ko. si red ang unang nag salita.

"tara court tayo mhie!", sabi ni red at biglang nag salita si chelsee "OMG YUNG CRUSH KO DUMAAN SA ROOM!", kilig na kilig si chelsee na dumaan sa hallway ng floor namin ang crush nya "tara na ang tagal nyo!", sabi ni red ulit. "cleaners ako hintayin nyoko!" sabi naman ni eli na may bitbit na walis tambo at dust pan. 

"ang tahimik mo elle! earth to elle po!", sabi ni chelsee.

lumingon ako sakanya at nasulyap ako sa likod ni chelsee, nakita ko sa bintana ang tiga kabilang section na si zav. Ampogi talaga  nya no wonder kaya nga sya sikat dito sa school namin lalo na sa batch namin. He's smart and handsome, we can tell...nag aaral kami sa isang science high school, bihirang makapasok sa ganitong paaralan kung hindi ka matalino pero eto si zav di mo aakalaing sa isang public school lang nag aaral. He's tall, maputi at sa edad namin ay may pagka maskulado na muka din itong mayaman at napaka linis nito sa katawan.

tapos nang mag linis si eli at lumabas na kami para pumunta sa covered court dito sa loob ng school, pag dating namin sa court at may nag vovolleyball na mga seniors, nag papractice ng festival dances at may nag babadminton din sa gilid. Iniwan namin ang bag namin sa bleachers at umupo. 

"tara bili tayo sa labas? ice pop?", sabi ko at agad naman nagsi tanguan si red, chelsee at eli. tumayo na ko sa kinauupuan ko at nakasalubong namin si zav! omg to the bones nalang talaga! ambango nya! kaso shet... KINAWAYAN NYA SI RED! eto namang si red ay halos mamatay sa kilig. 

"ano elle?? sabihin mo na kasing gusto mo?? papakilala na nga kita eh?", sabi ni red, i mean pogi sya at matalino...pero di pa sapat iyon para sabihin kong gusto ko na sya. "ehh ayoko", yun lang ang nasabi ko kay red habang etong si chelsee at eli ay nasa gate na.

tumakbo na kami papalapit sakanila ng makita nanaman namin si zav! kausap nya si kuya jom ang guard ng school namin. "kinikilig nanaman kayo kasi andyan si zav?! HAHAHA" malakas na sabi ni kuya jom, paborito nya talagang mang asar dahil kadalasan ng pinag uusapan naming mag kakaibigan ay lalaking natitipuhan namin. 

"elle!", nagulat ako dahil sa biglaang pag tawag ni zav, napa hinto ang mga kaibigan ko at natulala sa gulat. "h-huh??", nilingon ko sya at nanlaki ang mata ko. Nilapitan nyako, "may ano kasi..", nilabas nya ang isang folder. "pabigay daw kay ma'am ariane para kay ma'am tess, pakiabot nalang bukas sa adviser nyo.", sabi ni zav at tumango lang ako at umalis na sya.

Ano ba yan! kikiligin na sana ako kaso ang cold nya, niwalang expresyon...

nung nakalayo na si zav ay nag simula nang mag sigawan ang mga kaibigan ko at sinimulan na ang pang aasar.

"HUY IKAW NA ELLE!", sigaw ni red samantalang si eli ay tumatawa "YIEE BAKA CRUSH KANA NON TEH?!", sabi naman ni chelsee.

"tanga! wala yon may pinapaabot nga lang oh!", ngumisi ako at pinakita ang folder, at sabay sabay nilang sinabi ang word na 'yie~'


THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now