Chapter#44 /First Ever Date/
Ajir’s P. O. V
Tahimik lang sa byahe namin si Glaib at ilang minuto na din ang nakaka lipas ng umalis kame sa coffee shop. Kita ko sa kanya na ninibago pa din sya sa akin.
Syempre alam ko naman pino proseso nya pa sa utak nya yung mga inamin ko kanina. Kanina nga pinigilan ko lang yung sarile ko na wag umiyak habang yakap-yakap nya ako eh.
Maya-maya agad akong umurong sa tabe nya at tumabe sa kanya at napa tingin naman sya sakin.
“Kanina kapa tahimik ha Sunny ko!” Sabe ko sa kanya.
“Sorry na ninibago pa din ako at hindi maka paniwala eh! ” Kamot batok nya.
“Sorry ha kung tatlong taon ko itong itinago sayo ha. Gusto kase kitang protektahan! ” Malumanay kong sambit sa kanya.
“Protektahan?” Napa kusot noong tanong nito sakin.
“Oo! Kase marami akong ka away at ayokong saktan ka nila kaya matagal na panahon ko tinago! Sana maintindihan mo ako. Tsaka na sabe ko na din ito kay Lola mo diba nga sa kanya ako unang naki pag kita! ” Sambit ko sa kanya.
“Sa buhay din ba ni Azril may nag babanta dahil sa mayaman kayo?” Tanong nya sakin.
“Wala naman! Sakin lang! ” Sagot ko. “Hindi naman kase basag ulo yung kapatid ko pero ako aminado ako noong highschool at collage napapa sabak talaga ako sa gulo! ” Kamot batok kong kwento sa kanya.
“Wehh!? ” Gulat nya. “Hindi naman halata sa muka mo eh! ” Sabe nya sakin.
“Nag bago na kase ako simula ng makilala kita sa RPW! Laki kaya nang pinag bago ko simula ng dumating ka sa buhay ko! ” Naka ngiting sambit ko sa kanya at kita kong nag blush yung pisnge nya.
“Sakin din naman! Ang buong akala ko kapag nagka boyfriend ako sa RPW ay hindi yun totoo at laro-laro lang base sa na kekwento sakin ng mga RP friend ko. Pero binago mo yung paniniwala ko kaya salamat! ” Pasasalamat nito dahilan para mamula yung pisnge ko at mag-init.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)
Teen FictionMay babaeng nag ngangalang Glaibell ay meron syang boyfriend at taon na din ang tinagal ng relasyon nila ng lalakeng yun kahit na sa RPW lang sila nagka kilala at yun ay walang iba kundi si Peter(hindi nito tunay na pangalan). Dahil sa tagal ng rela...