Chapter#10 /Gala/
Ayun lunch ngayon at pansamantala ako ngayon naglalakad papuntang cafeteria wala kase akong kasama kase pinuntahan ni Shar si Jed at sabe nya mauna na ako para maka hanap kame ng table sa cafeteria.
At nang papasok na ako sa cafeteria ay napa hinto nalang ako sa paglalakad ng biglaang may tumawag sa pangalan ko.
*GLAIBELL!!!*
Agad akong napa tingin sa likuran ko ng marinig yung boses ng lalakeng tumawag sakin at ganun din yung ibang estudyante na nasa labas ng cafeteria.
Napa kusot nalang ako ng noo ng makitang si Zaiven yun. Teka bat nya ako hinanap?
Agad syang humabol ng hinga ng nasa harap kona sya at matapos non agad nyang inabot sakin yung notebook ko.
Ahh kaya pala!
"Notebook mo!" Sabe nito sakin at inabot yung notebook ko na hiniram nya sakin habang may klase kanina dahil naki kopya sya kase binura agad yung nasa white board na lesson kanina.
"Thankyou!" Pasasalamat ko.
At maglalakad na sana ako paalis ng bigla nyang hawakan yung braso ko kaya napa tingin ako sa kanya at nakita kong nagulat yung mga studyante ng makita yun. Dahil doon binitawan nya braso ko dahil na din na hiya sya.
"Bakit?" Takang tanong kosa kanya.
"Maglulunch na kayo ni Shar? Nasan sya bat di kayo magka sama?" Sunod-sunod nyang tanong sakin. Pero alam ko hindi yun yung gusto nyang tanungin.
"Ahh! Oo! Pinuntahan nya yung kaibigan naming si Jed!" Sagot ko.
"Ahh! Ganun ba?" Kamot batok nito sakin.
Agad kameng pumasok sa loob ng cafeteria at nag hanap ako ng table na para saming tatlo at agad ko yun pinuntahan para di na kame maagawan pero di ko ineexpect na susundan pa ako ni Zaiven hanggang doon sa table. Kaya lahat ng mata ng mga estudyante nasa amin na.
"Ahhmm! Zaiven! May itatanong kapa ba? Kase pinag titinginan at pinag uusapan na tayo ng mga tao dahil sinusundan moko?!" Naiilang kong tanong sa kanya.
"Ahhmm! Sorry ha kung na iilang ka!" Nahihiyang kamot batok nito sakin. "Pero may itatanong talaga ako pero sana wag kang maopend?!" Sambit nya sakin.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Curious kase ako eh! Kung may boyfriend kana?" Nahihiyang tanong nya sakin. "Pero wag kang ma-oopend curious lang talaga ako!" Dagdag nya pa.
Nagulat ako sa tanong nya pero na tawa ako sa expresyon ng pagmumuka nya.
"Ahhmmm! Oo naman!" Sagot ko.
"Talaga?" Gulat ko.
"Bakit?" Natawang tanong kosa kanya.
"Wala lang!" Kamot batok nya.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)
Fiksi RemajaMay babaeng nag ngangalang Glaibell ay meron syang boyfriend at taon na din ang tinagal ng relasyon nila ng lalakeng yun kahit na sa RPW lang sila nagka kilala at yun ay walang iba kundi si Peter(hindi nito tunay na pangalan). Dahil sa tagal ng rela...