03

0 0 0
                                    

VEAH POV

Ramdam ko ang excitement kay ria dahil hinila niya si nica pa akyat sinita pa sila ni nanangy napangiti na lamang ako ang kakulitan ng dalawang iyon ang na miss ko.

"Nakakatuwa ang mga kaibigan mo, tunay na mga kaibigan sila nararamdaman ko halos sila na ang nakasama ko sa lahat ng pag subok mo sa buhay" biglang salita ni nanang kaya medyo nagising ako sa pagiging kalutangan

"Tama ka po diyan kaya handa din akong makipag Patayan sa kung sino man ang mag tangkang saktan sila, hindi lang sila basta kaibigan saakin kapatid na din po ang turing ko sa kanila" sagot ko habang nakangiti

"Maswerte kayo sa isa't isa at sana naman ikaw din patuloy na yang pag ngiti mo"

Hindi na ako sumagot kay nanang dahil tama naman siya, tanging ngiti na lamang din ang sinagot ko sakanya

Sinimulan ko na ang pag luluto ng ulam namin para makakain na din dahil marami pa akong kailangan tapusin

Mag advance reading din ako mas magandang pumasok sa school ng ready may mga teacher pa naman na kapag papasok ka sa subject nila dapat may alam ka

Nakita na siguro nila yung mga paintings sa taas baka isipin nila na museum yung 2nd floor iba pa naman mag isip ang mga yun

Natapos na kaming mag luto ni nanang kaya nag paalam muna ako na pumunta sa aking kwarto

"Bumaba Narin kayo dito ng 7:30pm para tayo ay mag hapunan na" saad ni nanang

"Sige po mag pahinga kana rin po muna" sagot ko

"Sige iha" dinig kong sabi ni nanang

Nag simula na akong tumungo sa aking kwarto ng makita ko ulit ang aking mga pininta

Napangiti na lamang ako ng maalala ang mga iyan tanda ko pa kung kelan ko iyan pininta, matagal ko na din itinago ang mga yan.

Pumasok na ako sa aking kwarto napaka linis nito syempre ako paba

Napatingin ako sa orasan 6:30 pa lang pala may isang oras pa ako para magpahinga

Pinagmasdan ko ang aking kwarto ito na ang bunga ng pnag hirapan ko mabuti na lamang ay hindi ako sumuko mag try ng mag try

Natigil ako sapag muni muni ng may kumatok

"Veah?"

Agad akong lumapit sa pintuan at sabay ng pag open ko ng door ay agad kong inoff ang light ayaw ko kasing may nakakakita ng kwarto ko wala pang nakakapasok dito kahit si nanang hindi pa nakapasok dito maski ang mga yaya namin ako lang din ang nag lilinis.

Marami kasi akong document dito na kailangan itago

"Yes?" saad ko Kanila ria

"Kwentuhan naman tayo oh" si ria

"About saan?" Tanong ko

"Kahit ano bonding lang sana natin" si nica

"Sige doon tayo sa kwarto ko"

Lumabas ako sa kwarto na kinaroroonan ko at taka ko silang tinignan kasi nakatayo lang sila

"Hoy Tara na" saad ko

"Saan, Hindi mo ba kwarto Yan?" Turo nila kung saan ako galing

"Hindi" tipid Kong sagot

"May pangalan mo kasi akala namin kwarto mo na yan" si nica

"Tara na doon ko na lang ikwento"

Everything Was Unexpected Where stories live. Discover now