Chapter 80 - Finale (Part 1)

1.9K 30 2
                                    

KRISTEN'S POV




'CARELESS, CARELESS...

SHOOT ANONYMOUS, ANONYMOUS...

HEARTLESS, MINDLESS..

NO ONE WHO CARE ABOUT ME...'



Isang unan ang dumapo sa mukha kasabay ng malakas na tunog ng cellphone alarm ko, Lunes bandang alas-sais ng umaga.


"Kaye! Ang jowa mo nag-iingay na naman." reklamo ni Kristina na natutulog sa kabilang double-deck ng kwarto sa boarding house na inuupahan ko.


Sa kanya nanggaling ang unan na tumama sa akin.


"Oo na, babangon na." sagot ko sa kanya.


Kalahati pa lamang ng diwa ko ang gising habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Hindi ko napigilan ang mapatili nang maramdaman ko sa balat ko ang lamig ng tubig na ibinuhos ko sa katawan ko. Hay. Mahirap talaga kapag walang heater, sakripisyo ang paliligo sa umaga.


Nagbihis muna ako ng pambahay pagkatapos, at tsaka pumunta sa kusina para magluto. Tulad ng nakagawian, hotdog, itlog at luncheon meat ang ulam namin ngayong almusal.


Inihanda ko muna ang mesa bago ko gisingin si Kristina.


"Mahal na prinsesa, nakahanda na po ang inyong agahan." biro ko sa kanya nang abutan ko syang nag-iinat sa harap ng salamin sa kwarto.


"Dama! Madali ka, ihanda ang aking pampaligo habang ako'y kumakain sa komedor." pagsakay nya sa biro ko.


"Gaga! Halika na, kain na tayo. Malelate na naman tayo dahil dyan sa kaartehan mo eh."


"Oo na po. Oo na Teacher Kaye." at nauna na syang nagpunta sa kusina.



Matapos namin kumain ay nagsipaghanda na kami para sa pagpasok sa Millersville University, pero hindi para mag-aral kung hindi para magturo.


Isa na akong music teacher ngayon sa kindergarten. Kakasimula ko pa lamang, halos tatlong buwan na ang nakakalipas. Bagama't maayos naman ang tinakbo ng buhay ko sa LA sa loob ng limang taon, nang malaman kong nangangailangan ng bagong music teacher sa MVU kaagad akong umuwi para mag-apply.


At napakasaya ko nang matanggap ako sa trabahong ito. Madaming alaala ang nagbalik sa akin, masasaya at malulungkot, pero mas lumalamang pa din ang saya lalo pa't kasama nito ang mga alaala kong kasama sya.



"Teacher Kaye, sumama po ang pakiramdam ni Teacher Miriam. Kung pwede daw po magtake-over kayo sa klase nya? Kayo po kasi ang nirerequest ng mga Grade 5 students eh." bungad sa akin ng co-teacher ko pagkarating ko pa lamang sa faculty room.

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon