PROLOGUE

84 9 7
                                    

"buntis ka?!" nagulat ako sa naging reaksyon ni Cleigh sa ibinalita ko sa kanya, agad na uminit and paligid ng mata ko at walang pag aalinlangan akong nag salita. "oo, at ikaw ang ama" bagay na tinawanan lamang niya.

"teka, Cleigh? Bakit parang hindi ka natutuwa. 'Diba ito naman yung gusto mo? p-amilya?" naging mahina ang boses ko dala ng pag tangis. Huminto siya sa sarkastikong pag tawa niya at hinarap ako.

"Sage..." mahina niyang sabi "Sage.. Ohh.. Sage" dugtong nito nang may tono na pag tawag.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, nabuhayan ako ng dugo. Baka sakaling nag bibiro lamang si Cleigh sa sarkastikong niyang reaksyon kanina. Yumuko siya para iparating nang mas malinaw ang mensahe.

"ipalaglag mo yang bata" bumitaw ako sa pag hawak niya nang marinig ko 'yon, ngunit kinuha niya ang kamay ko at muling bumulong. "inuman mo ng gamot?" medyo nanginginig ang boses niya, hindi dahil sa kalungkutan kung hindi dahil sa inis.

"naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Cleigh?" lumakas ang boses ko kasabay nito ang mga hikbi ko. Sigurado na ako na wala siyang balak panagutan ang mga bagay na ginawa namin noong gabing yon.

Hawak niya ang braso ko, ang bawat sinasabi nito ay idinederetso niya sa mga tenga ko, ipinaiintindi niya nang malinaw sa akin na wala siyang kwentang ama. "h-hindi pwede, cleigh" bulong ko, may halong takot dahil malapit lang ako sa kaniya, ano man oras ay maaari niya akong suntukin.

"I don't know Sage! I don't know!" sinabi niya nang malakas, tinulak niya ako sa sahig dala ng inis niya.

Sandaling tumahimik noong tumalikod siya, ngunit tuloy pa rin ang pag hawak niya ng panga nito at mga pag kamot sa ulo, waring isang nababaliw, parang isang taong hindi alam ang gagawin.

"abort the child! abort it!" bigla siyang nag salita makalipas ang ilang Segundo ng pag tahimik.

Patuloy niyang ipinag didiinan ang punto niya.

Tumayo ako nang tuwid at mas diniinan ang pananalita ko. "hindi pwede cleigh! walang malinaw at legal na rason para patayin yung bata" katwiran ko.

"patayin mo yan Sage, nakakaintindi ka naman ng tagalog, hindi ba?" bigla na lamang bumuhos ang luha hindi sa sinabi niya, kun'di sa kung paano niya sinabi ito.

Kaya naman namin buhayin yung bata, handa kami. Handa kami?

O baka ako lang talaga.

"Cleigh, kaya naman natin buhayin yung bata, nag ipon ako. Cleighton, nag ipon tayo diba?" malinaw kong naihayag sa kaniya ang mga nais kong sabihin, kahit na patuloy pa rin ang pag daloy ng luha sa pisngi ko.

"we plan about this Cleighton, you promised me, if you're not going to financially support this child, then I'll sue you, getting someone pregnant then eventually leaving them?" He seems shock, he seems shocked because he knew this is the first time I raised my voice.

Tumalikod siya sa akin, muling nag muni-muni, animo Isang nababaliw na, umiiyak siya gaya ko, ngunit hindi kami pareho ng dahilan. Takot, lungkot at sakit ang namamayani sa akin habang galit ang sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto nanatili lamang siya sa pag tayo. Hanggang sa, dahan-dahan siyang humarap sa akin at marahan akong nilapitan.

"I'm sorry, but I have to do this." ang buong akala ay nahimasmasan na siya, pero, bigla na lamang parang Isang demonyo kung tumingin.

Hayagan niyang 'nilabas baril mula sa kung saan, sa sobrang sarap ng mga salitang pinakain niya at mga damdaming pinaramdam niya ay hindi ko inaakalang kaya niya akong tutukan ng baril, ako na taong nag paramdam sa kaniya ng tunay na pag mamahal.

"papatayin kita o papatayin mo yung bata?"

"you have a choice, Sage"

Parang kailan lamang ay ipinangako niya na aalagaan niya ang bata, minsan ay minamadali niya pa ang pag papakasal.

Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa mata niya, bilang na lang sa daliri ang segundong itatagal ko sa Isang kalabit lamang niya ng baril ay patay na ako.

Buong tapang akong tumayo, ngunit nanatili sa pag titig sa kaniya.

"no" bulong ko, kasabay pa ang pag iling ng ulo.

Walang alinlangan niyang pinutok ang baril na dumaplis sa braso ko, tumingin ako sa kaniya, walang siyang kahit anong reaksyon.

"Roland!" Sigaw niya, tinatawag ang magiting, maasahan, at sunod-sunuran niyang tauhan. Taong kinukunsinti ang mga mali at maruruming gawain niya.

Bumagsak ako sa sahig dala ng pag kahilo, maraming dugo na ang tiyak na nawawala.

"F*ck, Sage, I didn't mean to-Roland, take her to the neares-" He was about to touch me pero agad kong nilayo ang braso ko sa kaniya, habang tinititigan siya, nang may halong pang huhusga, at pandidiri.

"b-itawan mo ko, k-kaya ko" tumayo ako sa sarili kong mga paa nang hindi humihingi ng tulong mula sa kanila.

Masakit, sobrang sakit ng daplis ng bala ngunit walang mas sasakit sa nararamdaman ko.

Akala ko ba, utak lang ang nakakaramdam ng emosyon? Bakit parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.

Sinubukan akong hawakan ni Cleighton. "Love, I'm sorry, pero hindi kasi kasama yung bata sa pangarap ko" mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"sa tingin mo ba kasama to sa pangarap ko?" sagot ko, may mababang tono at nanginginig na boses.

"that's what I'm telling you, Sage, abort that child, kill it, makakasira sa pangarap natin, pangarap mo. Pwede pa naman tayong gumawa ulit-" hindi ko na siya pinatapos, hinayaan kong ang mga palad ko ang mag pahinto sa gumagalaw niyang pisngi.

Natigil siya sa sampal ko, ngunit muling humarap sa akin.

"hindi ako nag aaral nang mabuti para pang bastusin mo ako, Cleighton." hinarap ko siya kahit namimilipit ako sa sakit, patuloy ang pag daloy ng dugo pati na rin ng luha ko.

Hindi nag paawat si Cleighton, ang taong tulad niya ang hindi basta-basta papayag na hindi siya masusunod.

"pakinggan mo rin kasi yung saloobin ko Sage! Mahirap ka, mayaman ako, what if gamitin mo lang yang bata para rito? So, abort it Sage, or else I'll leave you"

parang Isang bagong tao ang kaharap ko, parang hindi namin kilala ang isa't Isa dahil sa mga salitang naririnig ko.

Napatulala ako matapos kong marinig ang mga bagay na 'yon, halos hindi ko maigalaw ang mga daliri ko, pati ang mata ko. Hindi kapani-paniwala ang narinig ko.

"Sage, e-h-here, here have this, h-ow much for abortion? 50k 100k how much to convince you? Sage, name it, 500k? 1M?" wika niya, habang iniwawagayway sinusulatan at pinipirmahan ang cheque na hawak niya.

Tinupi niya ito at nilagay sa kamay ko, pinilit niyang isiksik ito hanggang sa tuluyan ng bumitaw ang pag-ibig na minsan namayani sa bawat Isa sa amin.

Hindi ako minsan mang minahal ni Cleighton, basang-basa ko sa mga mata niya ang katotohanan.

Hinila ako ni Ronald palabas ng mansyon, hanggang sa naipasok ako sa kotse. Ako mismo ang pumasok, hindi na ako nag salita pa.

Nang tuluyang umandar ang makina ng sasakyan, lumingon ako sa pintuan ng bahay, nandon si Cleighton, sinasarado ito.

Kinasusuklaman ko siya, isiniksik ko sa kotse niya ang cheque.

"Dalhin mo ako kila papa" bulong ko. "pero sabi ni boss, dadalhin kita sa hospital, mag papagamot at ipapaabort mo yung Bata." tahasan niyang sinabi, hindi manlamang nandiri sa sarili niyang dila.

"b-binigyan ako ng pera ni Cleighton, yon na lang ang gagamitin ko." dahilan ko.

"siguraduhin mong mawawala yan ah, lagot ako kay boss pag nag kataon" paalala niya. Hindi na lamang ako nag salita.

Kahit naman mabuhay to hindi rin naman niya makikita.

Lumaki akong walang Ina, kaya't hindi ko ipagkakait sa batang to ang Isang inang mamahalin siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiding in the Shadow: Her Struggle With Billionaire's SonWhere stories live. Discover now