7/ recognition

4 2 0
                                    

FINALLY! Recognition na namin ngayong araw and I graduated with flying colors!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FINALLY! Recognition na namin ngayong araw and I graduated with flying colors!

Sobrang tuwa ko dahil my hardworks have finally paid off! At siyempre, tuwang-tuwa akong ikinuwento 'yon kay Xian.

"Xian, look, recognition na namin mamaya and ako 'yung inatasan na mag lead ng prayer! Omg, ba't ako pa?" Pagtataka ko.

"Eh kasi special ka" Biro ni Xian.

Hindi ko alam kung kikiligin o maaasar ba ako sa mga pinagsasabi niya. Pero dahil siya naman 'yon, siyempre... napuno na naman ng mga paruparo ang aking tiyan.

"Pero kung ano pa man 'yung mangyari mamaya sa recognition, I am so proud of you." Dagdag niya.

Hindi ko talaga maiwasan ang aking nararamdaman. Para akong prinsesa sa sarili kong nobela.

Minsan ko na ngang naisip kung paano nga ba ang maging bida sa isang libro. Ngunit sa nararanasan ko ngayon, isa akong mapalad na taong nakararanas nito. Para akong nabubuhay sa kasalukuyan kong sinusulat na kuwento.
---

Ako'y nakatitig nang diretso

Kung saan tinatawag na pala ang pangalan ko

At tila hindi ako makapaniwala sa narinig ko...

"Alande, Melissa Krish V.

- With High Honors, Conduct Awardee, and Rank 1 among Grade 7 students."

Narinig ko na lamang ang daan-daang mga taong pumapalakpak sa kanilang narinig.

Totoo ba ang lahat ng ito? Tila para akong nabubuhay sa isang panaginip na pipiliin ko na lang na huwag nang magising.
---

Umuwi ako sa bahay nang nakatulala sa kisame, at bigla na lang akong napatanong... para sa akin ba talaga ang lahat ng ito?

Kaya ko pa bang panindigan sa susunod na taon ang lahat ng mga natatanggap ko ngayon?

"Deserve ko ba ito?"
---

"Eh kasi special ka"

Biglang bumalik sa aking isipan ang sinabi ni Xian.

Minsan, may ibinabato sa atin ang tadhana dahil alam niya na ito'y para sa atin talaga.

At kung binigay sa akin ng tadhana si Xian, tinuturuan ako nito kung paano pahalagahan ang mga taong malalapit sa akin dahil hindi lahat ay mananatili hanggang sa mawala ako sa mundong ito.
---

"Congrats, pre! Proud na proud ako sa iyo. Siyempre IKAW yan eh. Kaya kayang-kaya mo talaga."

"Thank you sa support, Xian! Grabe naman, maraming salamat sa palagi mong pagtitiwala sa akin. Mas nakuha mo pang magtiwala sa akin, kaysa sa sarili ko mismo."

"Eh siyempre naman, best friend kita eh! That's what friends are for, ang tali-talino mo at nasa iyo na ang lahat!"

"Hanggang friends na lang ba talaga, Xian?"

"Ha? Anong sinasabi mo? Siyempre naman, best friends tayo forever!"
---

Tila hindi ko maisip kung ano nga ba ang gusto kong mabasa n'ung mga oras na iyon. Wala namang mali, ngunit...

Hanggang doon na lang ba talaga?

Story of Love, But Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon