INTRODUCTION

23 1 0
                                    

"Kung makakabalik lang sana ako sa mansyon namin dati ng lola at lolo mo, kung maaari pa akong mabuhay ng panibagong buhay ay pipiliin kong manirahan doon. Sa lugar na 'yon nakilala ko ang Papa mo, at doon ko naramdaman ang pinaka-masayang yugto ng buhay ko."

Luhaan ang mga mata ko habang nakatitig sa picture-frame namin ni Mama na masayang nakangiti. Graduation ko ng high-school ito at malakas pa rito si Mama. Ibinaba ko na ito at ibinalik sa ayos sa bedside table ko. Two days ago, my mother passed away, pero ito ako ngayon at ramdam pa rin ang kalungkutan sa pagkawala niya. Hindi pa rin ako makabalik sa trabaho, pero naka-leave naman ako.

Ako nalang ang mag-isa sa buhay ngayon. But in this house where we both used to live our lives, everything just reminds me of my mother, sa kahit anong sulok ng bahay na ito. Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama ko at tumitig sa maliwanag na bintana.

Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinasabi ni Mama sa huling sandali ng buhay niya. Sa ospital ilang araw na ang nakakaraan, iyong mga sandaling wala na siyang masyadong lakas pero nakakapagsalita pa rin siya. Kung ano-ano nalang ang mga sinasabi niya kaya't hinahayaan ko siya at pinakikinggan. But some of it doesn't makes sense to me. Hindi ko naman alam na may mansyon ang lolo at lola ko.

Hindi ko alam kung saan ang sinasabing lugar ni Mama. Or was it just because of her sickness? She was just randomly saying things. Wala rin akong masyadong maalala noong bata pa ako, but I am certain that I've met my grandma and grandpa when I was a kid. It wasn't a vivid memory, but my mother and I have lived our lives all alone. Wala man lang kaming kamag-anak. Wala na rin ang Papa ko, ang sabi ni Mama ay namatay siya noong bata pa ako.

May iilang memorya pa akong natatandaan noong bata ako tungkol sa papa ko, but there's not much in it. Only his face is all I could remember.

My mother strived for both of us to live a comfortable life. She was working so hard to provide for both of us. Kaya't masasabi kong hindi galing sa mayamang pamilya si Mama. Come to think of it, why don't we have relatives? Kailanman ay hindi ko rin ito tinanong kay Mama.

She mentioned that she used to live in a mansion? Sa lugar kung saan sila nagkakilala ni Papa? I don't know anything of it. Wala na rin akong tyansang magtanong pa sakaniya. Or was she only dreaming in her last minutes before she passed away? In her dream where she's living her dream life with my father?

Pangarap pala niya magka-mansyon?

I chuckled with the thought and brushed my tears away. Napasinghot ako at pinunasan ang ilong ko. With a faint smile in my face I glanced at the picture frame beside my bed again.

Maybe I am just thinking too much. Epekto lang siguro ito ng pangungulila ko kay Mama. I blew out an air before standing up from my bedside. Lumabas na ako ng kwarto ko, dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. I need to distract myself, kailangan kong magpaka-busy.

Ngayon ko lang naigala ang mata ko sa paligid ng bahay. This is a bungalow house. The style and furniture aren't your average type, kahit na may kalumaan maganda pa rin ang mga disenyo. The faint blue couch is a mid-century modern type of couch. The design of the house is all well-built! I'm an architecture graduate, at lisensyado pa ako, pero bakit ngayon ko lang napagtuonan ng pansin itong bahay namin? I mean, I've been aware of our house but come to think of it- Hindi ito mamementain ni Mama ng sahod niya mula sa trabaho niya bilang factory worker.

Noong sinabi niyang nabili nilang dalawa ito ni Papa noong bago sila magpakasal ay hinayaan ko na. Galing kaya talaga sa mayamang pamilya si Mama? Bakit wala akong alam? Sa pang-tuition ko noong college ay hindi rin nagreklamo si Mama, naririnig ko lang siyang dumadaing minsan sa pang-araw-araw naming gastusin.

Shifting GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon