Kabanata 2

10 1 1
                                    

"So you were saying? I am a victim of fraud?" Sabi ni Regan habang nakaupo sa single sofa nitong mansyon.

Malalim akong napabuntong-hininga. Normal lang na mahimigan sa boses niya ang galit, he's even looking sharply at Sheila, ang babaeng nadatnan ko kanina na syang malayo ko nang kamag-anak at nagsiwalat ngayon ng buong pinlano nila nu'ng nagpakilala abogado niya.

"Please calm down." Mahinahong sabi ko at humarang sa harapan ni Regan at ni Sheila na takot na nakahalukipkip sa mahabang sofa ngayon.

Tumingin saakin si Regan at nagbawi na ng tingin. What a small world it is. Siya ang gustong bumili nitong bahay at lupa.

He was accompanied by someone. His lawyer which is now trying to contact the police to track down the lawyer who ran away with the money.

"I will make sure to put you in jail." Seryosong sabi ni Regan ng hindi nakatingin, he is referring to Shiela. Umiling-iling ako nang biglang humagulgol ng iyak si Shiela at sa isang iglap ay nakaluhod nanaman ito.

"Shiela!" I called her name and tried to get her up, pero nakaluhod pa rin siya sa sahig, sa harapan ni Regan na pirme ang kunot ng noo, hindi man lang ito nakatingin na hindi man lang naaaawa kay Shiela. I know he's mad, pero naniniwala akong hindi naman siya ang tipo ng taong walang simpatya.

"Please Regan, don't scare her too much. Nadala lang siya sa mga salita nu'ng abogado, mahirap lang sila at napakapit lang siya sa patalim." Pakiusap ko habang dinadaluhan si Shiela.

Umiling si Regan, "Paano naman iyong perang naitakbo ng abogado? Kung maibabalik ang pera na iyon ngayon din, I wouldn't make a fuss about it. I will remain in silence, hindi ko paiimbestigahan ang babaeng 'yan."

Bakit ako 'yung nanlulumo? Wala naman akong kasalanan. Pero mas wala akong 120 million para ipambayad kay Regan!

Hindi ako nakaimik sakaniya.

"Shiela, umupo kana ng maayos, magagawan natin 'to ng paraan." Bulong ko kay Shiela at sa wakas ay nagpahigit na ito.

Inupo ko itong muli na todo lang ang iyak. Hinarap ko si Regan na nakaupo pa rin habang nakapirme ang magkasalubong nitong kilay. Tumingin na ito saakin kaya nagtama ang tingin namin.

"Sinusubukan naman i-trace iyong abogado, hindi ba? Ang pinakikiusap kolang, ay huwag mo nang takutin si Shiela."

Regan was looking at me when his frown disappeared, bigla itong tumayo sa mismong harapan ko kaya bahagya akong napatingala dahil sa tangkad niya. We were eyeing each other.

"You are the real owner of this property, right?" Wika nito sa mismong harapan ko.

I nodded.

He suddenly glanced at Shiela who's behind me. Saka muling ibinalik ang tingin saakin.

"Mapapalampas ko ang ginawa ng pinsan mo. I can even pretend that there was no fraud, since the real owner is here, kaya natin mapag-usapan ito. I want the property, sell it to me, just deduct the 120 million from the original price. Sounds fair? Hindi ko na isasali ang abala at tinangkang panlolokong dinulot saakin."

Natigilan ako sa sinabi ni Regan. For a moment I was staring at his face while he was talking. Hindi ako nakapagsalita. He really wants the property.

Umiling ako at nagbawi ng tingin. I can't.

"W-Wala akong balak na ipagbili itong mansyon, maging ang lupa." Seryosong sabi ko.

I already promised myself to take care of this ancestral land until the day I die. No one can take this away from me. Hindi ko ito ipagbibili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shifting GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon