Eto na, chapter 1 na nga tayo. Ano bang chika ko today? Ahh oo. Nasa trabaho ako ngayon, wala akong gagawin na work kasi wala namang pinagawa tsaka konti palang work ko. Konting background, I started working here last March 10, 2023. Oh diba? 9 months akong tambay since gumraduate ako ng college. I remember, grabe 'yong anxiety and pressure ko that time when tambay palang ako. At least tambay with degree. Alam mo 'yon, yung iniisip mo na deserve mo naman ng rest after many years of schooling pero nahihiya ka na sa pamilya mo at mga tao sa paligid mo kasi palamunin ka pa rin. Sa hirap ba naman ng buhay, hindi pwedeng tumambay ano. Hala! Hanap ka trabaho! Pero ang hirap pala talagang maghanap ng trabaho. Need nila ng with experience pero fresh graduate ka pa lang. Ano naman 'yon? Are you crazy? But salute to those company who accepts fresh grads. Hindi lang condom may trust beshy, sila rin! Choss!