Naiinis ako kasi 'yong President ng school na pinagt-trabahuan ko is sinabi niya na lagi raw akong nakabuntot sa dalawa kong Sir na kasama sa office. Totoo naman. I mean, every mag bio lang naman. Tsaka, sino pa ba ang dapat kong kasama? Eh kaming tatlo ang magkakasama sa office. Ang layo kaya kung saan magb-bio, ano palalakarin ako sa matinding sikat ng araw? Kulang pa sweldo ko pang pa Hospital pag naheat stroke uy! Chos! Eh kasi naman, diba sabi ko mahiyain ako. Talagang totoo 'yon. Hindi ako basta-basta kumakausap ng kung sino-sino. Depende lang kung kailangan talaga. Sa 4 months ko rito sa work, wala parin akong kaclose except sa dalawang Sir na kasama ko sa office. Hindi naman sa close, close 'yong nakakausap lang ganon. Ang layo kasi ng office namin sa kabihasnan. Kaya sa tuwing nag b-bio, alam mo ba 'yong bio? Biometric? Yong fingerprint ang attendance ganon! Ayon nga, sa tuwing nagb-bio na o-op ako kasi wala akong kausap. Wala namang kumakausap sa akin. Hindi ba sila friendly? Hindi. O baka hindi lang ako approachable? Char! May mga bumabati naman pero hanggang doon lang. Wala ng pansinan. Hindi naman sa paimportante ako, okay? Feeling ko lang hindi ako welcome. Four months ka na jan, hindi ka parin welcome? Try mo kaya kumausap ng someone. Oo nga nu, baka ako talaga ang may problema. Pero kasi they have their own circle and I don't want to be a joiner. Actually, tumatambay ako sa office ng boardmate ko noon. Marami sila doon. Pinapansin naman nila ako pero alam mo yon, hindi ako masali sa usapan kasi hindi naman ako nakakarelate. Kaya tahimik lang talaga ako. Kaya nga, hindi ako marunong makipag-usap. But I'm working on that. Sometimes, I just need the right people to talk to. Pero applicable ba yan always? Just think na every people is the right people. Yon lang hindi ko alam anong topic. But yeah, I will be working on that. Mahirap talaga siya for me. It's really a challenge.