tatlo

5 1 0
                                    

Gustung-gusto ko nang kamustahin ka
Itanong sa 'messenger' kung nasa'n ka
Ngunit nang sinubukan ako'y nabigla
'Di na tayo 'friends' sa fb aking nakita

Labis kong ikinalungkot iyon nang malaman
Puso'y nadurog, labis akong nasaktan
Nais ko lang naman sana ay ang malaman
Masaya't maayos ka ba ngayon kung nasa'n ka man

Bakit ba kasi ang hirap mong kalimutan
Araw-araw ka pang nasa aking isipan
Tumatambay na parang pagmamay-ari mo
Itong walang kabuluhang buhay ko

Alam ko namang hindi magiging tayo
Kaya lang ang sakit tanggapin mahal ko
Hindi naman sa ika'y aking sinisisi
Na nahulog ako sa mahinhin mong pagngiti

Kung meron lang sana akong maipagmamalaki
May kakayahang ika'y ipagsilbi
Hindi ako magdadalawang-isip giliw ko
Habambuhay kitang sasambahin ng buong-buo

Pero gustuhin ko mang ipagtapat sa iyo
Inuunahan pa rin ako ng kaba sa puso
Pinangangambahan ko ang maaring mangyari
Baka masaktan ka lang sa pagbabakasakali

Isa pa ayokong idamay ka kaya aking sinarili
Itong nadarama ay naisip itago't ikubli
Gaano man kasi kalinis ang hangarin ko
Pipiliin kong ako na lang ang husgahan ng mga tao

Marami pa rin kasi ang hindi sang-ayon dito
Kahit gusto ko nang ipakita ang tunay na pagkatao
Magkakasya na lang yata sa sapat nang naranasan
Na maipadama sa'yo minsan itong nararamdaman

Hinding-hindi kita kahit kailan sasaktan
Hinding-hindi ipagpapalit kahit kanino man
Pangakong laging nasa tabi mo't 'di ka iiwan
Saan man tayo dalhin sa kahuli-hulihan

Pero kahit anong pangako pang gawin ay 'di na aasa
Walang-silbi lahat-lahat dahil 'di tayo para sa isa't isa
Tatanda akong walang kasama, mamumuhay mag-isa
'Ipinanganak na single, papanaw ng nag-iisa'

🕐🕒.🕐.🕐🕗.🕘.🕔.🕐🕑.🕐🕑

A.N.
–minsan nabaliw si author–

tula-la para kay 'crush(ed)'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon