lima

4 1 0
                                    

Pangarap kong ako ang naghahatid-sundo sa'yo
Sa pagpunta at pag-uwi mo galing sa trabaho
Mapa umaga, tanghali, kahit gabing-gabi na
Hinding-hindi magrereklamo kahit na pagod pa

Patutunayan ko ang aking pagiging loyal sa iyo
Damit mo'y lalabhan kahit pa bumabaha't bumabagyo
Tirik man ang araw at biglang kumidlat ay 'di matatakot
Ako ay lalabas, magsasampay meron ka lang maisuot

Bawat segundo ng isang minuto kitang iibigin
Bawat oras ng araw-araw ikaw lang ang mamahalin
Ang buong pusong parinig ko sana naman iyong dinggin
Kapag naging akin ka, pag-ibig mo'y 'di ko sasayangin

Kapayapaan ang madarama ng pusong masalimuot
Kung mangyaring ika'y naging akin, 'di na ako malulungkot
Itong pag-ibig na alay ko ay tunay pa sa totoo
Pero 'wag naman sana luha ang makamit buhat sa'yo

IKAW LANG ang aking gugustuhin, ayaw ko ng iba
Ikaw ang nagbibigay-buhay sa salitang masaya
Lakambini, sa'yo'y magpapaka-alipin ako
Hahayaan kang gawin ang gusto mo sa puso ko

🕐🕒.🕐.🕐🕗.🕘.🕔.🕐🕑.🕐🕑

A.N.
–minsan nabaliw si author–

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

tula-la para kay 'crush(ed)'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon