Chapter XII.I

9 4 10
                                    

Chapter XII: Case is Solved

The day went on as I celebrate my day. It was just a simple party that my family have prepared.

For the last time before we leave, I enjoyed the road that comforted me amidst the storms in my life.

I headed to the high roads and reached the cemetery. I already talked to the guards and they let me in even it is already done for time visit.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa gilid at bumaba para lakarin ang puntod ni Siennah. Dala-dala ang basket ng bulaklak ay nakangiti akong tumungo sa munting bahay na pinagawa ko para sa mabuti niyang pamamayapa.

"Ilang taon na, Ady...nahihirapan pa rin akong kalimutan ka..."

Malinaw kong naririnig ang paghikbi ng isang lalaki mula sa loob. Maingat akong naglakad at sinuri ang kaniyang likuran. Nakayuko siya sa harap ng litrato ni Siennah at mula sa aking kinatatayuan, kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha.

"Andrew?"

Kahit pigilan ay nagpumilit kumunot ng aking noo. Pinagmasdan ko ang namumugto niyang mga mata habang nakatingin ngayon sa akin nang hindi ko maintindihan. Galit. Galit ang namumutawi sa mga iyon.

"You." Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko at madiin siyang tiningnan.

"You killed her!" He pointed at me with so much anger.

Madiin kong minata ang nakaturo niyang daliri bago siya tiningnan sa mga mata.

"How sure are you that I killed her?" I raised an eyebrow and showed no emotion.

"Dapat nilayo mo na lang siya rito...buhay pa sana siya ngayon..." Patuloy siyang umiyak sa harapan ko at napaupo sa sahig.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa. Katulad ko, alam kong minahal niya si Adele kaya naiintindihan ko ang pagluluksa niya. Ilang taon na ang lumipas at kung makahikbi siya'y para bang kahapon lang ito nawala.

"Pagod ka na ba at naghahanap ka na ngayon ng masisisi?" tanong ko sa malamig na boses.

Napaangat siya ng tingin at muli akong hinarap.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sabi mo rati, mahina ka. Oo, mahina ka. Dahil tanging pag-iyak lang ang ginawa mo." Madiin ko siyang tiningnan kahit pa alam kong nag-aapoy siya sa galit sa mga oras na ito.

"What are you gonna do next? Cry again until you find yourself lifeless beside her?" I bitterly threw as he stared at me intently.

"Case is solved. Better get up and close the gates to stop the same situations to repeat." I shifted my gaze to Siennah before bumping onto Andrew's shoulder as I walk towards her grave.

"Mukhang araw-araw ka namang nandito. Puwede bang ako muna ngayon? Kahit ngayon lang." Walang buhay kong tiningnan ang litrato ni Adele sa aking harapan.

Rinig ko naman ang mga yapak ni Andrew sa aking likuran hanggang sa tumunog ang gate, senyales ng kaniyang pag-alis.

Inalala ko ang mga panahon at sinubukang hanapin ang imahe ni Andrew mula roon.

"Sissy, sino ba siya?" tanong ko sa litrato niya at ipinahinga ang likod sa kaniyang tabi.

Ipinikit ko ang aking mata at inalala ang mga sandaling kasama ko pa siya bago siya kinuha ng tadhana sa akin.

"I wanted to be a lawyer someday. Gusto ko rin maging doctor pero takot talaga ako sa dugo, nanghihina ako lagi tuwing nakakakita ako ng pulang likidong iyon," pagkukuwento niya sa akin habang nakaupo kami sa nakalatag na tela.

We used to love picnics. Nakalatag ang mga pagkain, laruan, at libro sa harap namin. Laging ganito.

Hindi ko matandaan kung kailan ang unang beses na nakita ko siya kasama ang isang lalaki, pero may naikuwento siya sa akin.

"Would you believe me if I tell you that I am committed to someone?" she asked while playing with her hand.

"This young?" I raised an eyebrow. She just nodded innocently. "Eh?"

Then, she showed me a picture of her with a boy. They were about six years old in the picture and it looked undeniably cute.

"That's Nathan, my childhood best friend, slash, my boyfriend," said Siennah and giggled like a kid.

I couldn't help but cringed. Hindi ko naman pinakita sa kaniya ang naging reaksyon ko dahil malulungkot lang siya.

"What does he do to make you happy?" I asked, sounding interested.

"Everything. Basta lagi kaming magkasama, hindi lang ngayon dahil busy pa siya...alam mo, ang attractive niya kapag nakikita ko siyang lumalaban, ang astig kasi!" aniya pa. Pinanood ko naman siyang sumuntok-suntok sa hangin na para bang pinapakita niya sa akin kung paano iyon.

"And, his friends knows! Basta, we're happy. I'm happy kasi I have him and you!" ani Siennah at maliwanag na ngumiti sa akin.

Lumungkot naman ang kaniyang mukha makalipas ang isang minuto kaya nagtaka rin ako. Nagtatanong akong tumingin sa kaniya.

"Sana lang hindi agawin sa akin ni Ate Savannah..."

I just smiled with it and deep in, I have added my will of keeping her safe.

Dumilat ako at nakita ang isang litrato na nilipad ng hangin. Katabi iyon ng iba pang bulaklak at mabilis ko iyong naabot. Napasinghap ako at pinagmasdan ang parehong imahe na ipinakita sa akin ni Sissy dati. Sila ni Andrew.

Pinagtagpi-tagpi ko ang lahat at napagtanto ang mga pangyayari.

Knowing that Andrew has connections and histories with gangs, fights, and the fact that Savannah possibly wanted him too. Siennah was used.

Nadamay lang siya at isa rin iyon sa pinagsisihan ko. Huli na nang maisip ko ang maaaring mangyari at iyon rin ang muntikang gawin kay Kuya Riz.

At the end of day, I've got nothing to do but feel bad and regret everything.

Pero wala na, tapos na. May hustisya na. Nakamumuhi pa rin na sarili niyang pamilya ang nakagawa nito sa kaniya. Panatag naman na akong kahit sa ngayong pagkakataon ay nakuha na niya ang nararapat sa kaniya.

Savannah Elle Destiny V. Myler

The one who took Adele away from me. I made sure that even her dead body won't be buried in the same ground as Siennah. In that way, I'm freely breathing.

I stared at her image with a small smile in my face, and acceptance in my heart. I touched her angelic feature.

"Sleep in peace now, Siennah Adele."

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon