Alam kong mali na patulan siya. Second cousin ko siya. Pero hindi ko maiwasan na magka-gusto sa sobrang lambing niya saken at pagiging maalalahanin. Masakit din isipin na tago lang relasyon namin.
Pero sabi nga ng nakararami, ''Walang sekretong 'di nabubunyag.''
Nalaman ng tropa niya na me relasyon kami ni Roland. Nahalata kasi kami dahil madalas siyang tumatabi saken pag tumatambay ako sa gabi. Sobra akong natakot na baka magsumbong siya sa Lolo niya, na labis kong kinatatakutan kasi baka umabot sa Mama ko na nakikipag relasyon ako sa pamangkin niya.
''Wag kang matakot, di yan magsusumbong. Wag ka nang masyadong mag-isip." Pagbibigay assurance saken ni Roland. Hinalikan niya ko sa noo. "Mahal na mahal kita, Monick." Bulong niya.
Nagkita kami ng palihim sa basketball court. Gusto ko kasi siyang makausap tungkol sa kaibigan niya.
Niyakap ko siya. Wala akong masabi. Sana hindi nalang kami mag-pinsan. Sana okay lang lahat para walang hadlang sa pagmamahalan namin. Pero hanggang SANA LANG AKO.
"Nakausap ko siya," sabi niya. "Naiintindihan niya naman tayo. Kung saan daw tayo masaya, susuporta daw siya. Kaya wag kana mag-alala, okay?" Iniangat niya baba ko para magpantay paningin namin.
Napatango nalang ako. "Oo na po. Sige na, uwi na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay. Text-text nalang tayo ha?" Mag-aalas dyes na din kasi ng gabi. Nginitian ko siya ng matamis.
Niyakap niya ako bago hinalikan sa pisngi, "Oo ba. Kaw pa di ko etext? Mahal kaya kita. Take care" He grin.
ONapahagikgik ako, "Sus bola!" Pagkasabi ko nun, nauna akong naglakad na parang wala lang. Pero sa loob-loob ko sobra akong kinakabahan.