Habang naglalakad sa campus, di ko maiwasang lumingon sa paligid dahil maraming babaeng tumitili pag nakikita nila ako. Kakaway lang ako, mahihimatay sila kaya di ko masyadong ginagawa. Nung papunta ako sa restroom ng mga lalaki, biglang may dumukot sabay tutok ng kutsilyo sa tagiliran ko at bumulong, "Holdap to, bigay mo lahat ng gadgets pati pera mo kung ayaw mo mawala sa mundo ng maaga." Binigay ko na lahat ng bagay at perang dala ko. Sabi nya na tumahimik na lang ako sa nangyari ngayun. Habang papunta ako ng room, sabi ko sa sarili ko, "Hay, miserableng buhay to. Sikat nga, dami naman umaabot na kamalasan. Wala naman akong ginagawang masama pero bakit ganun?" Habang paupo sa aking upuan, yung isa kong kaklase may napansin sa labas. "Ano yun?", nagtatakang sinabi ng kaklase ko. Nung lumingon ako sa napansin nila, eroplano lang pala. Tanung nung isa ko pang kaklase ,"Bakit papunta dito?". "Papunta?", nagtaka na ako kung anung nangyayari. "BABAGSAK ANG EROPLANO DITO!", sigaw nung isang estudyante. Bago pa kami nakaalis, bumagsak na ito ng tuluyan sa eskwelahan namin. Di lang yan, mismo sa classroom namin bumagsak. Nagkamalay pa ako at may narinig na boses na tumatawag sa akin, "John Carlo, John, GUMISING KA!."
Nung gumising ako, parang walang nangyari. Sumigaw ako, "LIGTAS TAYONG LAHAT!, MABUHAY". Lahat nang kaklase ko pati teacher tumingin saken sabay tawa. "HAHAHA, anu na naman ang napanaginipan mo?" tanung nila saken. Ako biglang umupo, "Hay, binangungot na naman ako."
Ako si John Carlo, bihira lang sa campus o di kaya sa room nakakalam ng pangalan ko. Pero, mababago ang lahat. Buhay, personality, Lahat.. mababago.. Hiniling ko na sana hindi na ako loner, mahirap walang kaibigan at kunti lang ang nakakakilala sayo sa eskwelahan na pinanggalingan mo. Nakakainis tung buhay ko sobra. Pero di natin alam kung may mangyayari ba na magpapabago saken o wala.