1

12 2 1
                                    



Akala ko
Nagiisa lamang ako
Habang umuulan
Hindi ka makakalimutan

Mga sandaling ikaw ay kasama
Sa panahong umuulan ng masama
Madalas kang makita
Sa panaginip kong tila hindi na magigising pa

Sambit ng aking diwa
Na wag iwan ang mahal kong nag iisa
Ngunit paano ba?
Kung ang mga tao ay hindi nagkakatugma?

Lagi kang hihintayin
Kahit masakit, ay titiisin
Mga salitang patapos
Mamahalin ka ay hindi matatapos

Ikaw ang magiging laman ng ilang kabanata
Sa librong isusulat para sa isa kong musika
Tila di magkakatugma ang tinig
Pero sa dagli, ikaw ay nabighani

Lagi kong iisipin
Kung gaano ka kahalaga na ibigin
Kahit magkalayo
Sayo parin dadayo

Napapagod na akong intindihin
Ang kanilang mga sasabihin
Sila ba ay talo para sa atin?
O sadyang walang may gusto sa atin?

Hinihiling sa bawat minuto
Na sanay kailan man tayo ay ipagtagpo
Hindi man ito ang tamang oras
Pero akoy nakikiusap mamahalin kang wagas

Mapagod man ako sa mundong ito
Pero ang iwan ang isang tulad mo,
Ay hindi gawain ng isang tulad ko
Napakahalaga mo, binata ko

Sa bawat tugtog ng iyong gitara
Laging iniisip ang himig ng iyong tinig, sinta
Akin kang pinupuri sa pagkanta
Sa boses mong maganda

Kahit nasaktan kita
Lagi mong tandaang mahal kita
Hindi ako nagsisisi kailan man
Dahil ang makilala ka ay minsan hindi ko ikinahiya man.

Hindi ko lubos maisip na akin kitang iniwan
Hinihiling na tila ay tumila ang ulan
Saglit na makita ang ngiti mo
Ngiting lubos kong iniisip kahit sa pagtulog ko

Tinatanong ang aking sarili
Ako ba ay makasarili?
Hindi ko ba iniisip na ikaw ay nasasaktan?
At pinipilit ang sariling isiping okay lang?

Mahal na mahal ko ang isang tulad mo
Hindi ka pinagkait ng Diyos sa tulad ko
Ako ay dukha pero minahal mo ako
Ikaw ay perperkto para sa isang tulad ko

Mahal na mahal kita
Ni isang beses ay hindi nagsisi na nakilala,
Ang isang tulad mong binata
Mahal na mahal kita.

Every Chapter With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon